Chapter 39

8.2K 156 6
                                    

Beth POV.

Mula  nang mangyari ang incident sa restaurant ay pauli-ulit itong bumabalik sa aking alaala.

Pilit ko namang itong iwinawaksi pero pilit din itong sumisiksik sa aking isipan.
Iba ang kutob ko sa nakita ko noon.
Minsan nga sa sobrang pag-iisip ko, napagkamalan ko na ang sinumang lalaking makita ko bilang siya.

Hindi ko dapat ito nararamdan at hindi ko dapat ito iniisip, pakiramdam ko kasi ay parang nagtataksil ako kay Nick.

At nang gabi din iyon ay sobra ang pag-alala nito sa akin.
Ayaw pa sana ako nitong ihatid at gusto pang idaan ako sa hospital, mabuti nalang at nakumbinsi kong iuwi lamang ako.
Panay ang tanong nito kung ano ba talaga ang nangyari pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo. Ang tanging nasabi ko lamang ay biglang sumama ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung nakumbinsi sya sa idinahilan ko.

At kahit nang makarating kami sa bahay, ay naroon  pa rin sya para siguraduhing maayos na ang lagay ko.

At ngayon na lumipad ito papuntang amerika, ay bigla akong nakonsensya dahil hindi ibig sabihin na hindi ko sya makakasama ay kung sinu-sino na ang iniisip ko.

At naiinis ako sa aking sarili dahil kung kailan ngayon na lumipad si nick papuntang amerika ay panay naman ang pagsusumiksik ng eksena ng lalaking nasa restaurant.

Beth magtigil ka sa kakaisip mo sa lalaking yon!

Humigop ako ng hangin para mahimasmasan  ang aking sarili at maalis sa isip ko ang gumugulo sa aking isip.

Nagligpit na ako para umuwi. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil bukod wala si Lyneth ngayon, ay umuulan pa ng malakas. At habang medyo tumitila ang ulan ay kailangan kong makahanap ng masasakyan, tiyak na agawan ng masasakyan ngayon dahil sa masamang panahon.

Nang masiguradong nacheck ang bawat saksakan na walang nakasaksak at nalock ang lahat ng pintuan at bintana ay umalis na ako para mag-abang ng masasakyan.

Pero makalipas ang mahigit kalahating minuto ay nagtityaga pa rin akong pumapara ng masasakyan. Pero kung hindi may nakasakay, ay nilalagpasan lamang ako.

Pero hindi nagtagal ay may humintong sasakyan sa harap ko. At dahil lumalakas ang ulan ay dali-dali akong binuksan ang pintuan at sumakay kaagad.

"Hayyy salamat manong, kanina pa ako naghihintay ng masasakyan, mabuti nalang at huminto kayo. Sa Bry. Puting-Bato tayo manong."
Saad ko kay manong driver. At nang makapwesto ng maayos ay pinunasan ko ang sarili. Kahit nakapayong ay parang naligo na ako sa ulan dahil sa lakas nito.

Pero kahit napatuyo ko na ang aking sarili ay naramdaman kong hindi pa rin umuusad ang sasakyan kaya nilingon ko si kuya driver.

"Manong hindi pa ba tayo aalis?"
Hindi kaagad ito naka sagot, pero dahan-dahan itong lumingon sa akin. At ganoon na lamang ang panlalamig ng aking katawan ng mapagsino ko ito.

"Hi sweetheart, miss me?"

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Pero kulang ang salitang 'gulat' para idescribe ang nararamdaman ko.

Tila tumigil sa pagtibok  ang puso ko dahil sa taong ito. Parang tumigil ang oras ko.

"C-cclark?" Nauutol kong saad.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon