Chapter 31

8.4K 156 7
                                    

Not edited..

Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata, pero agad ko ring ipinikit dahil sa nakakasilaw na ilaw na sumalubong sa akin.

Muli ay sinubukan kong imulat ang aking mga mata, sa una ay ganun pa rin, pero sa ilang beses na subok ay naka adjust na ang aking paningin.

Inilibot ko ng tingin ang kinaroroonan ko, ang lahat ng naroon ay kulay puti, kahit ang kulay na suot ko ay puti rin, ang naiiba lang doon ay ang lalaking naka asul habang nakatutok sa laptop nito.

Teka!?! Mukhang nangyari na ito ha. Déjà vu?.

Parang pamilyar ang nangyayari ngayon, parang bang nangyari na. Parang naulit ang nangyari.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata para alalahanin kung nangyari nga ba ito. At tama nga, nangyari na nga ito. Noong naospital ako dahil sa pagsakit ng aking tyan. Pareho ang namulatan ko nang magising ako. At si Clark, sya rin ang una kong nakita.

Ibinalik ko muli ang tingin ko kay Clark, he was typing in his laptop, his brows creased. Tumigil ito sandali at saka may kinuha sa katabi nitong mesa. It was a cup, maybe a coffee, he sipped it and then put it back again and continue typing.

He was so focused for not noticing that I was awake. Kahit dito ba naman sa ospital ay trabaho pa rin ang inaatupag nito.

Hindi ako umimik, gusto ko lang na titigan sya, gusto ko makita ang mukha nya na walang bahid ng galit at lamig kapag sya ay tumitig sa akin.

Ang gwapo niya talaga, kahit anong anggulo ay walang kapintas-pintas sa mukha. Kahit galit, seryoso ay gwapo pa rin, pero mas gumagwapo ito kapag nakangiti. Ilang beses ko ng nakita ang mga ngiti nito noon, unlimited pa nga at libre, pero ngayon mukhang hindi ko na ito masisilayan pa. Ipinagkakait na nya na makita ko ito.

Nabali ang tingin ko kay Clark dahil sa pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Nick.

Agad na lumapit ito sa akin nang makita nya akong gising.
"Oh Beth, thanks God and you're awake." Umupo ito sa tabi ko.
"I'm sorry beth, I didn't know, I really didn't know na may allergy ka sa peanut. Kung alam ko lang sana edi hindi ko na yun inorder. Sorry talaga beth." Hinging paumanhin ni Nick.
He was holding my hand while saying those words.

Nais kong umupo para makaharap sya ng maayos, pero hindi pa ako  nakabangon ay napabalik ako ng higa. "Hey wag mong biglain ang katawan mo, just stay still."

Tumango na lamang ako. Medyo mabigat pa nga ang katawan ko.

"Kamusta ka na? Do you still feel any itchiness? Sorry talaga beth. I'm so stupid for not asking what you like and ordering you food that triggered your allergy."

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon