Chapter 49

5.5K 97 8
                                    


Not edited.

Napasinghap ako sa aking nakita. Hindi na ba titigil sa pagpapadala ng pagbabanta ang taong nasa likod nito? Ano ba ang kailangan nila? Ramdam ko ang paninigas ni Clark sa kinatatayuan nang makita ang laman ng panibagong kahon. Ang kamay nito na nakahawak sa akin ay mas lalong humigpit dahil sa nakita nito.

Nagtitimpi ito ng kanyang nararmdaman. Kahit sino naman ay magagalit kung makita nito ang sariling larawan na putol ang ulo sa katawan. Hindi na ito maganda. Mas lalong natatakot ako para sa kanya. Hindi na basta-basta ang pinapadalang pananakot para kay Clark.

"Clark.."

"I'll be needing additional number of security from your agency. Make them report immediately." Saad ni Clark kay Mr. Santos nang harapin nya ito. Nakakatakot ang boses ang bawat salitang lumalabas sa mula rito. Alam kong pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili dahil sa pagtaas-baba ng kanyan dibdib dahil sa tinitimping galit.

" Yes sir."

Tumawag rin ito sa kanyang cellphone para ipaalam sa mga imbestigador ang bagong kahon na aming natanggap. Nag-alala na ako sa kanya.

"Uminom ka muna Clark para makalma ka." Inilapag ko ang isang baso ng tubig sa kanyang harapan.
Naiwan kaming dalawa matapos magsi-alisan ang mga ang pinatawag niya. Ang mga bodyguards naman ay nakabantay sa labas ng opisina at sa labas ng building. Nagpadagdag si Clark ng ilang pang bodyguards para doblehin ang securidad namin.

Hindi nito ginalaw ang baso ng tubig at tinanaw lamang ito.
Mukhang malalim ang iniisip nito dahil sa nangyari.

"Clark.... Mahuhuli din natin ang gumagawa nito. Papanagutin natin sila."

"They will."

"Sasabihin mo ba ito sa mga magulang mo? Para naman maaware sila at mag-iingat dahil baka padalhan rin sila."
Bumaling ito sa akin.
"No. No need for that. Nagpadala rin naman ako ng bodyguards para mabantayan sila. At para na rin mahuli kung sino ang nagpapadala ng mga pagbabanta. I don't want to give them worry about this. Hindi na nila kailangan malaman ito."

Tumango ako para sang-ayunan ang kanyang desisyon.
Kung ayaw niyang bigyan ng aalahanin ang kanyang mga magulang, mas mabuti na rin siguro na ipostpone namin ang pagsasabi ng aming engagement. Sa tingin ko mas masamang balita ang engagement namin keysa sa mga pagbabantang natatanggap ng kanilang anak.

"Clark?..."

"What is it sweetheart?"

"Sa tingin mo it is the right time to tell them about us? Sa mga nangyayari ngayon? Pwede naman natin ipagpaliban muna." Saad ko na hindi nakatingin sa kanya.
Ayaw kong dagdagan pa ang kanyang aalalahanin kung sakaling hindi tatanggapin ang aming relasyon.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon