Chapter 5

11.7K 184 3
                                    

Four years ago.....

Beth PoV..



"Manang ba 't ang dami naman po ang inorder nyong gulay sa 'kin ngayon? . "Tanong ko kay manang habang iniisang inilabas ang mga ito sa basket ko. Kami kasi ang nagsusuply ng mga gulay sa mga Villanclara at malaking tulong ito para sa pandagdag para sa mga gastusin namin sa bahay. May pwesto si mama sa palengke at tuwing alas otso hanggang alas tres ng hapon siya nagbabantay sa pwesto namin. At every thrice a week sila nag oorder at ako ang naghahatid."may handaan ho ba?" . Tumango lamang si manang. Si manang mildred ay isang mayordoma na naglilingkod sa mga Villanclara at siya ang nagsabi na pinanasabi daw ni señora na sa amin na sila kukuha ng mga gulay para masiguradong sariwa ang mga ito. Mula siguro noong elementarya ako ay nagsimula na  silang umorder sa amin. At si mama pa noon ang naghahatid ng mga ito sa kanila, ako naman ay sumasama lang kay mama, pero noong tumuntong ako ng first year highschool ay ako na ang pumalit kay mama sa paghahatid ng mga gulay.

"Ah birthday ni señora Alicia.?"pahuhula ko..

"Hindi iha." Pag iling ni manang.

"Hindi..ah birthday ni señorito Alfonso? ". Paghuhula ko ulit.

"Hindi rin iha."sagot ni manang habang kumukuha ng lalagyan ng mga gulay.

"Kung hindi nila birthday edi.....ah alam ko na...anniversary nila!! ."

Tumawa lang si manang sa naging sagot ko.."hindi rin iha, hindi nila anniversary ". Sagot ni manang habang may ngiti sa mga labi niya, alam kong nag eenjoy siya sa usapan namin.
Hindi ako sumuko at humula pa rin.

"Eh kung hindi nila birthday at kung hindi anniversary nila eh ano? ... aha!  Alam ko na manang..sabi ko na parang tama ang magiging sagot ko.

"O ano iha? ". Tanong ni manang habang naghihiwa ng bawang na may ngiti sa mga labi.

"Ikaw manang ha, hindi ka man lang nagsasabi, may pasekreto ka pa riyan..manang kung hindi nila birthday at kung hindi rin nila anniversary edi......... birthdayyyyy.....MO!!!!  Sabi ko manang. At bilang sagot ay bumanghit siya ng tawa..
Makalipas ng halos isang minutong pagtawa ay tumigil na din ito.

"Ano ka ba iha, hindi ko birthday at matagal pa bago ang birthday ko. Kaya naparami kami ng order ng gulay sa inyo ay dahil darating ngayon ang mga anak nila señora Alicia. At tulad niya ay mahilig din ang mga ito sa gulay, kaya nagsabi si señora na dagdagan ang bilhin na gulay sa inyo.paliwanag ni manang.

"Ah ganun po ba, vegetarian pa la sila."sabi ko at kumuha ng stool para umupo.

"Iha natatandaan mo pa ba sila?.tanong ni manang.

"Yung mga anak nila, e hindi po eh, kasi simula ng  ako ang naghahatid ng mga gulay ay hindi ko pa sila nakita. Sagot ko sa kanya.

"Ay oo nga pala, doon na kasi nag aral ang mga iyon sa states noong nagpitong taong gulang sila at simula noon ay hindi na sila nakauwi o nakabisita man lang kaya sina señora na lamang ang pumupunta doon . Doon sila kay señorita Lolita -ang kanilang lola tumira..alam mo ba iha, lumalaking magaganda at gumagwapo ang mga iyon." Pagkwento ni manang habang naghihiwa ng sibuyas.

"Kung ganun eh, marami na silang napaluhang kababaihan at kalalakihan doon ". Sabi ko.

"Ay doon ka naman nagkamali iha, ang kwento sa 'kin ni señora ay hindi pa nagkaroon ng nobya itong si Clark dahil masyado daw focused sa pag aaral nito na kahit marami na ang nagpaparamdam sa kanya e hindi niya pinapansin at itong si Clarissa naman ay may nobyo na at matagal na silang magkasintahan. Pagbibida ni manang.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon