Finale

8.5K 137 24
                                    

Beth.

Ilang sandali pa ay mga kaluskos
akong narinig. Bakas ng mga nagmamadaling paa.

"Huwag kang gagalaw at itaas mo ang iyong mga kamay." Biglang salita ng kung sino at napatigagal ako sa akin nakita.

Mula sa kung saan ay may taong tumutok ng baril sa likuran ni Lucas. Ang isa naman ay sa gilid nito at nakatutok rin ang baril sa anuman nang maling gawing hakbang ni Lucas.

Sinunod ni Lucas ang sinabi ng lalaki. Itinaas nito ang kanyang kamay. Mabilis naman kumilos ang lalaki at pinatumba si Lucas sa lupa. Inilagay ng lalaki ang dalawangbkamay ni Lucas sa likod at sa pinusasan. May ilang sinabi ang lalaki kay Lucas pero ko iyon naiintindihan.

Pagkatapos ay pinatayo ng lalaki si Lucas at dinala sa kung saan.

Nakatulala lang ako habang nagaganap ang pangyayari at sinundan sila ng tingin.

Napapitlag lang ako nang may tumapik sa balikat ko. "Maam, okay ka lang?" Hindi ko magawang sumagot dahil parang tuliro pa rin ako.

"Maam, pulis ako kayang wag kang matakot. May ambulansya sa labas, pumunta na tayo para magamot ang mga sugat mo. " Anito.
Eto na ang hihintay naming tulong. Totoong tulong na magliligtas sa amin.

Pero hindi pa rin ako gumalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.
"S-si C-clark." Mukhang naiintindihan nito ang nais kong sabihin.

"Wag kang mag-alala kay sir, nandoon na ang mga kasamahan ko para sagipin siya."

"Hihintayin ko siya rito."  Saad ko.

"Hintayin na lang natin siya sa labas ng kakayuhang ito. At para na rin magamot ka." Pagkukumbinsi nito sa akin.

Pero ayaw ko syang iwan. Pero may punto rin naman ang pulis. Tumango ako at nagsimulang lumakad.

Ilang minutong paglalakad bago kami makalabas sa pinagmulan namin.

Tama nga ang pulis. Liblib ang lugar na ito. Liblib ang pinagdalhan sa amin.

Sa di kaluyuan ay nakita kong ilang police mobile at ambulansya. Hinatid ako doon ng pulis at sinimulang gamutin.
Kinunan nila ako ng BP. Ginamot at nilagyan ng gauze ang mga sugat ko.

Habang nakaupong ginagamot ay lumipad ang pag-iisip ko kay Clark.

Pumikit ako at tahimik na nagdasal sa kaligtasan ni Clark. Ligtas sana syang makalabas.

"Maam, huwag po kayong mag-alala, gagawin po lahat ng team para mailigtas si sir." Biglang saad ng pulis. Akala ko nakaalis na sya. Nanatili itong nasa gilid ko.

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi niya. "Akala ko umalis ka na." Saad ko sa kanya.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon