Chapter 55

6.7K 111 12
                                    


Not edited.



"Clark!! Clark!!"
Sigaw ko. Diyos ko tulungan mo po kami.

"Lucas huwag!!" Buong lakas kong sigaw kay Lucas para patigilan sya sa kanyang gagawin. Sasaksakin niya si Clark!

Umambang ang hawak na punyal ni Lucas at kanya itong pwersang ituturok kay Clark.

"Clark!"

Kasabay nito ang malakas na  pagbukas ng pinto. Napahinto si Lucas dahil dito. Agad kong tiningnan lagay ni Clark.

Malaki ang aking pasasalamat dahil hindi natuloy ang planong pagsaksak ni Lucas.

Lahat ay napatingin sa bagong dating. Napatigil sa pambubugbog ang mga tauhan ni Lucas kay Clark. Pati rin mismo si Lucas ay napatigil.

"B-boss!" Alanganing saya saad ni Lucas.

Boss? Ibig sabihin siya ang kasabwat ni Lucas?

Imbis na sagutin ng bagong dating si Lucas ay inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng silid, dinaanan niya lang ako ng tingin at napatigil ang atensyon nito sa kinaroroonan ni Clark. Biglang sumama ang mukha nito at biglang sumigaw.
"Anong ginawa mo sa kanya?!! Bakit duguan siya?! And why are you holding a knife? Anong balak mo sa kanya?! Bakas ang galit sa mukha nito.

"B-boss a-nu kasi eh-"

"Ano?!" Biglang putol sa nais sabihin ng kaharap.

"B-boss ang yabang kasi eh. Hinamon ako, akala mo kung sinong naghahamon, uminit ang ulo ko kaya tinuruan ko ng leksyon." Sagot ni Lucas.

Nang marinig nito ang sagot ni Lucas, ay bigla niya itong kinelyuhan.
"Kapag may masamang mangyari sa kanya ikaw ang tuturuan ko ng leksyon. Hindi mo sya dapat ginalaw! Kapag may mangyaring masama sa pamangkin ko ikaw ang mananagot sa akin! Naintindihan mo?!"

Kahit nakatagilid sila sa akin, hindi nakalampas sa paningin ko ang pagtataka sa mukha ni Lucas. Mukhang naguguluhan sa kinikilos ng kaharap. Kahit ganun ay tumango lamang ito bilang pagsang-ayon.

Agad namang binitawan siya nito at nilapitan si Clark.

Ang dalawang tauhan naman ni Lucas ay hindi alam ang gagawin kaya nagsitabi na lamang sila.

"Clark hijo, ayos ka lang ba?"
Nag-alalang tanong nito kay Clark.

Kung siya ang boss ni Lucas bakit ito nag-alala kay Clark?

Nag-alala ito kay Clark! Ibig sabihin siya ang pag-asa namin!
Siya ang makapagliligtas sa amin dito!
Salamat sa Diyos at dininig Niya ang aking dasal. Salamat at pinadala Niya rito ang Tiyo Larry ni Clark.
Makakalaya na kami dito.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon