Chapter Fourteen - Leave

8.4K 224 10
                                    

TINIGIL NI STACEY ANG PAG-SCROLL SA SCREEN NG CELLPHONE. Nilingon niya si Kylie na paupo na ngayon sa tabi niya sa café kung saan nila napagkasunduang magkita. In-off niya ang cellphone at pumihit ng pagkakaupo paharap dito.

"What?" malambot nitong bungad. "You're going to roast me about what I did? I know I'm wrong for sharing his number without his consent, Stace."

"Pwede kang makulong sa ginawa mo," concern ang nangibabaw sa panenermon niya. "Buti na lang, may gusto sa iyo 'yung tao."

Malungkot na napayuko ang dalaga. "Iyon na nga iyon, eh. I don't want him. Bakit ba ang kulit-kulit niya? Hindi na ako natutuwa sa pagpapapansin niya. Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako pumunta ng alumni party. Eh 'di hindi kami nagkita n'un."

She gave Kylie a gentle pat on the shoulder. "Ikaw naman, oh."

"Wala silang pinagkaiba ng stalker mo," reklamo nito. "Siya nga lang, harap-harapan. 'Yung sayo, nakatago."

Napailing na lang siya. "Mas nakakatakot naman 'yung nakatago, 'di ba? Yung nanlalason ng aso? Yung naninira ng kotse?"

Nahihiyang napatingin sa kanya si Kylie.

"The real reason why I agreed to meet you is to tell you to call the cops, Stace," pagseseryoso ng dalaga. "Let professional people handle your problem. Kasi ginagamit ni Marty iyang problema mo para lang makapagpapansin sa akin."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Gusto ka raw niyang tulungang mahanap ang stalker mo. He wants me to join him with helping you." Nahihiyang nag-iwas ang dalaga ng tingin. "And to be honest, Stace, this is the reason why I rarely hang out with you. Yes, I care about you, but..." sumulyap ito sa kanya. "But you're dangerous to be with."

"Bakit?" balik niya ng tingin sa harap. "Dahil, ako noon ang pasimuno ng mga kalokohan? Laging nagyayaya mag-walwal? Because I always wanted to get drunk, have wild parties and now, because I have a stalker?"

Nalungkot ito. "Please, Stace, don't be mad..."

She took in a deep breath. Hindi nakaligtas sa kanya ang naluluhang mga mata ni Kylie. Iyakin talaga. At alam ng lahat kung paano siya magalit.

Pero hindi iyon ang nararamdaman niya ngayon.

"I'm not mad, Kylie," tanaw niya sa salaming pader sa harapan nila. Stacey lowered her head. "In fact, I agree with you."

Tumayo na siya. Napatayo na rin tuloy ang dalaga.

"Stace..." tila makaawa nito.

"Stay away from me," her voice almost broke. "Ayokong pati ikaw, manganib ang buhay dahil sa akin."

Kylie's lips quivered. "I-I still want to help you... P-Pero..."

"You're scared," hula niya at nasa gulat sa mga mata ni Kylie ang kumpirmasyon na tama iyon. Stacey bitterly smiled. "It's okay. I understand. Who wouldn't be scared? Kahit nga ako, natatakot din. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lang ito. Lalong hindi pwedeng tumigil ang buhay ko ng dahil lang sa stalker ko."

Napayuko na lang si Kylie. Stacey waited but her friend could not say anything else.

Tumalikod na lang siya para umalis na. She had to leave for Kylie's sake— the only one in their circle of friends who actually cared about her. Hindi naman lingid kay Stacey ang effort nito noon na maka-chat siya para kamustahin. Hindi lang niya sinasagot ang mga mensahe nito. Hindi tulad nila Cynthia, Vernon at Fritzie. Tulad ni Kylie, nasa panig ang mga ito ni Sondra, pero ang tatlo ang tuluyang nagbalewala sa kanya. Samantalang si Kylie, nasa panig man ito ni Sondra, dama niyang kakampi rin niya ang dalaga. Hindi lang siya nito masyadong sinasamahan dahil kilala siya nito. Stacey wanted to be this tough person, who wanted to spend some time alone to figure things out during trying times.

Through Dangers UntoldUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum