Chapter Fifty-Eight - Giving In

6.6K 185 14
                                    

"WHAT HAPPENED TO YOU?" singhap ni Luz nang salubungin ang anak na si Ronnie.

Nagmamadali ang mga lakad ng lalaki, kagagaling lang nito sa opisina. He abruptly stopped when Luz blocked his way. She immediately cupped his face and checked the bruise close to his cheek bone.

"Diyos ko, Ronnie!" nag-aalalang salo ng ginang sa mga mata ng lalaki. "Saan nanggaling ang pasa mo?"

It was truly a shock for Mrs. Villaluz. Hindi pa nito nakikitang nagkapasa ng ganito ang anak. Mabuti sana kung sa tuhod o binti, pero hindi. Sa mukha ito napuruhan.

"Nasaan si Renante?" nagtitimpi nitong anas.

"Oh, hindi pa umuuwi ang kapatid mo," layo ng babae rito. "May kinalaman ba siya sa nangyari diyan sa mukha mo?"

Ronnie winced. "He just decided to smash my face on the table."

"Oh no," sunod agad ng ginang sa anak nang lagpasan nito. "Don't tell me, magsusumbong ka pa sa Dad ninyo. Alam mo naman siguro kung ano ang nangyayari sa pagitan nila. Please, don't add something that will make your Dad more upset of your brother."

Nakuyom na lang ni Ronnie ang mga kamao.

"Renante had always been reserved, patient and well-calculated. Pero ang mga inaasal niya ngayon... they just showed that he's already at his breaking point." He turned to their mother. "We can make Renante immobile for years, but once he's had enough, nothing going to stop him."

Binalik nito sa harap ang tingin. "At ang Stacey na iyon ang nagpapalakas sa loob ni Renante para ituloy-tuloy ang pagkalaban sa atin."

Nalilitong tumakbo ang isip ni Luz. Napahawak ito sa braso ng anak.

"But Ronnie, what if we look at it in a different way? Na hindi pagkalaban sa inyo at sa VMMS ang pagsasariling negosyo ng kapatid mo? Can we just stop involving personal problems with business matters just to justify how you're feeling for Renante, right now?"

Ronnie gave her a glare. "Bakit hindi? Eh ang personal na hinanakit niya sa amin ang ginagamit niyang fuel para kalabanin kami! I've done everything I could to help, Renante. Pero minamasama niya! I tried to be this neutral force between him and Dad but—"

Luz sighed. "Just like what you said, when Renante had enough, nothing's going to stop him. So, why don't we just let him be?"

"But that Stacey."

"Sino ba itong Stacey na ito? Pangalawang banggit mo na sa babaeng iyan?" bahagyang nagtaas ang tono ng ginang. She was only carried away by worry.

"Why don't you ask Renante?" anas nito bago iniwanan ang ginang. Pinanhik ng galit na lalaki ang grand stairs.

Napapailing na sinundan ito ng tingin ni Luz.

.

.

BUMABA AGAD NG KOTSE SI RENANTE. Inunahan niya si Stacey sa pagbukas ng pinto nito. Hindi niya masyadong napansin ang gulat sa mga mata ng dalaga. He readily offered his hand to help her get out. Habang inaasiste ang dalaga sa pagbaba, dumulas ang kamay niya sa siko nito, dahilan para mahila ito palapit sa kanya.

Stacey lifted her eyes on him. And their locked gazes flooded him with feelings.

Nagbalik sa kanya ang matinding pag-aalala nung natanaw ito sa café na nakikipagbuno kay Marty. Humalo ang magandang ngiti ng dalaga nung alukin siya nito ng pakikipagkamay pagkatapos um-attend ng Easter Sunday mass. The warmth of her skin relived the nights they shared something so physical... so intimate.

Through Dangers UntoldOnde histórias criam vida. Descubra agora