Chapter Forty-One - When In Roam

6K 191 47
                                    

AN:

Look, I called this book a novella because I am planning to make the story short. But look how many chapters we are in right now. Forty-One! HAHAHA XD

This is the 3rd and last UD for today. See ya tomorrow for the next chapters! Stay safe always! :* <3

With Love,

ANAxoxo

Postscript (3/21/2020): This chapter is edited kasi nagkabaligtad 'yung appearance ng part ng Ash Wednesday and Palm Sunday. Thank you for bringing this to my attention _imahinasyon <3 <3 <3

.

.

.

"IKAW MUNA," tulak ni Mary Jane kay Stacey sa harapan ng pila.

She just shrugged and let it be that way. Hanggang sa siya na ang pinahiran ng abong krus sa noo. It was already Ash Wednesday. Stacey never knew that years ago, while she spent Holy Week on vacation, people were doing this. Malaki ang sakrispisyo dahil sa sobrang init at siksikan sa simbahan, pero tuwing nakakatapos sila ng mga misa, hindi niya mapigilang makaramdam ng sense of achievement. That she finally did something different yet sensible.

Para sa araw na ito, sa simbahan sa bayan sila um-attend ng misa. Gusto raw kasi mamili nila Mary Jane at Mary Ann sa bayan ng mga pang-fasting na pagkain tulad ng gulay at isda. Pinauna na nilang tatlo sa pag-uwi sila Ka Olga at Mang Lito para hindi mapasabak sa ganitong klase ng init at siksikan sa palengke.

"Ay, oo! May prusisyon nga pala dito tuwing Mahal na Araw!" biglang naalala ni Mary Jane habang nasa loob sila ng side car ng tricycle. Naipon sa paanan nila ang mga plastic at bag na puno ng pinamili. "Gusto mo bang puntahan natin? Para ma-experience mo ba?"

"Hindi ba tayo mapapagod n'un? Grabe, nakakapagod itong pamamalengke natin at saka 'yung mahabang pila kanina sa simbahan. Aren't we going to do the same on that week too?"

"Kaya nga eh," Mary Jane sighed. "Tapos, magluluto pa tayo ng hapunan. Pagkatapos, 'yung biko pa na pinapaasikaso ni Lola. Tapos marami pang gagawin tulad nung pabasa."

Tumanaw na lang si Stacey sa pinto ng tricycle. Nabusog ang mga mata niya sa bahay-bahay na nadaanan bago sila napunta sa parte ng probinsya na puro mga taniman ng palay at damuhan na ang nakikita. The closer she got their barangay, the more the mountains grew prominent and visible. Matamlay ang haplos ng liwanag mula sa papalubog na araw sa mga nagtataasang puno ng kawayan.

.

.

"DIYOS KO! Bakit naman hindi ka nagsasabi? Paano kung hindi na ako rito nakatira?"

Hindi malaman ni Kapitana Anore kung matutuwa o sasakit ang ulo sa apo nito. Sa tinagal-tagal ng panahon, siyempre, na-miss nito ang apo at sabik na makakamustahan. Ang mas magandan pa nga roon magbabakasyon daw dito sa probinsya. Ang hindi nakakatuwa ay...

"Alam mo bang bawal bumiyahe ng malalayo sa mismong Holy Week?" patuloy ni Kapitana Anore sa paglilitanya. "Ang mga masasamang espirito, Nanting, naglilipana ang mga iyan ngayon—"

At dahil sa pagbisita rito, naging Nanting na naman ang pangalan niya. Ang Tita Lola lang niya ang may gustong tawagin siya ng ganoon. Runing naman ang tawag nito noon kay Ronnie. Ang dahilan ni Kapitana? Cute daw kasi tapos Pinoy na Pinoy ang dating. Napuna kasi nito noong mga bata pa sila na sobrang Inglisero daw silang magkapatid. He didn't mind that nicknaming habit of hers though. Kung iyon ba ang ikasasaya ng Tita Lola niya, eh.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now