Chapter Forty-Six - A New Beginning

5.9K 191 1
                                    

"MAGSILBI SANANG ARAL sa atin na ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa araw na ito ay simbolo ng isang panibagong panimula. At ang bawat panibagong panimula ay hindi nangangahulugang magsisimula muli sa umpisa. Minsan, ito ay ang pagsasantabi sa nakaraan at pagbibigay-daan sa ikalawang pagkakataon. Tulad na lamang ng pagsasakripisyo ni Hesukristo ng Kanyang buhay para dumating ang araw na ito at ipaalala sa atin na ang ginawa Niya ay para sa atin. Para bigyan tayo ng ikalawang pagkakataon na mula sa orihinal nating pagkakasala, ay bigyan tayo ng pag-asa para makapagsisi sa ating mga pagkakamali at magbago.

Pag-asa dahil may ikalawa na tayong pagkakataon para makasama Niya sa Langit."

Iyon ang ilan sa mga sinabi ng pari sa misa na tumatak sa isip ng mga dumalo. Madilim pa ang langit nang magsimula ang event simbahan kung saan umawit ang koro ng mga bata na nakasaplot pang-anghel habang nire-reenact ang muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinisimbolo ng pagtanggal sa belong panluksa ng Birheng Maria.

Pagkatapos, dumiretso na ang lahat sa loob ng simbahan para sa misa.

As they got out of the church, the sunrise was already peeking behind the horizon by the mountains behind the church. Malamlam ang liwanag nito. It made Stacey really feel that today is definitely an Easter— a fresh, new beginning, a new day, a new hope.

Bumaba mula sa simbahan ang tingin niya nang maramdaman ang umaalalay na paghawak ni Renante sa kanyang siko. She had to remind her heart to behave. His eyes seemed to ask for her permission. Stacey seemed to understand and let him lead her away from the crowd of people walking out to the church.

They managed to be alone by the church's balcony, overviewing the trees, houses and lake— looking fresh and peaceful as the sun was just about to rise.

Narating nila ang pinaghalong bato at sementong balkonahe ng simbahan na nahaharangan pa ng barbed wire para sa kaligtasan ng lahat. Mataas ang elevation ng simbahang iyon kaya naman mula sa balkonahe, isang malaking bangin na ang nakaabang kung saan nagkukumpulan ang mga nagtataasang puno. Mangilan-ngilan ang bahay-bahay na matatanaw sa baba. Kung titingin sa malayo, mas marami na ang makikitang mga bahay-bahay doon. Lumayo pa ang tingin ni Stacey at napadpad na iyon sa lawa na pumapagitan sa probinsyang ito mula sa katapat nitong siyudad sa malayo. The buildings there looked like a cold, ghostly apparition of pale light blue. A fog seemed to intensify how lifeless they looked. Wisps of white clouds stretched on the brightening soft blue sky.

Stacey took in a deep breath, admiring the view right where Renante took her.

She was extremely absorbed by the refreshing sight, unaware of his soft gaze for her alone. They shared the same awe and feeling about what their eyes were looking at. Payapa ang naging pag ngiti ni Stacey bago nilingon si Renante.

Bigla itong naalerto, napakurap at umayos ng pagkakatayo sa tabi niya.

"How are you?" he finally asked.

Pinatong niya ang mga braso sa ibabaw ng balkonahe. "Actually... I've never felt this better, Renante," bumalik sa tanawin sa kanyang harap ang tingin niya. "O baka dahil lang sa misa... kaya ganito kagaan ang pakiramdam ko? O sa view," nguso niya roon. "Ang ganda, hindi ba?"

Renante didn't know it made him smile, his eyes were on Stacey. On how the usual tensed look in her eyes were suddenlyt his calm and soft and admiring. On how her bangs softly fell over her forehead, making her look livelier. On how her simplicity— the fitting jeans, mustard yellow ringer shirt and sneakers— tickled his senses.

"Yes," he murmured softly. "I agree."

Stacey turned to him and caught his gaze. Napansin niya ang tila pamumungay ng mga mata nito. Medyo nag-alala siya. Kinulang siguro ng tulog si Renante, medyo inaantok kaya ganoon klase makatingin ngayon sa kanya. Dinaan na lang niya sa nahihiyang ngiti ang nararamdamang kakaiba.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now