Chapter Ten - Waiting

10.1K 247 18
                                    

NIYAYA NI STACEY NG INUMAN SI KYLIE. Kaya lang tumanggi ang kaibigan. Kailangan daw nito ng energy mamayang gabi para tapusin ang mga commissions nitong digital art.

So, here they are at the same spot— the coffee shop.

"Ang dali lang pala sabihin noon na hindi ako lalayo kay Renante. Na kahit ikasal pa sila ni Sondra at friends lang kami, okay lang," patuloy niya sa paglalabas ng sama ng loob sa katabi. "Ang dali siguro kasi wala pang nangyayari noon sa amin."

Medyo nahahalata na niyang naiilang si Kylie. NBSB ba ito? Virgin? Kailangan bang makiuso ito sa stereotype na kapag ganoon ang isang tao, walang ideya tungkol sa sex o nahihiya sa mga usaping ganoon? Ah, never mind. Siya ang nangulit dito na lumabas, eh. Siya ang nanghingi ng tulong nito. Nandito na si Kylie kaya itutuloy-tuloy na lang ni Stacey ito.

"Alam mo 'yung... mas madali palang maging friends lang kapag... kapag alam mong wala ka nang pag-asa," panghihina niya habang nakatanaw sa labas ng katapat nilang salaming pader. "Na kapag pala nakakita ng kahit katiting lang na pag-asa o possibility na, uy... may nangyari sa amin. It means na kahit papaano... kahit papaano gusto niya rin ako. Na konting effort pa siguro..."

Stacey let out a heavy sigh.

"Then here he is again. Alam kong mali, pero bakit parang umaasa pa rin ako? Why us girls always fall a victim when a guy says he's changed? Or he'll change? Or he's sorry? Or he won't hurt you again?"

Sinilip niya ang kaibigan. Naluluha na ang mga mata nito.

She can't do this.

She can't do this to Kylie.

"Sorry," yuko niya. "You shouldn't be this uncomfortable. Pero sino pa ba ang mapagsasabihan ko nitong kinikimkim ko? Mababaliw na yata ako kung hindi ko mailalabas lahat ng ito."

"Ikaw kasi eh," mahinhing sagot ng dalaga, "masyado kang nagba-bottle up ng feelings mo. Iyan tuloy..."

Naramdaman niya ang supportive nitong paghagod sa kanyang likod. Stacey lifted her head and turned to give Kylie a small smile.

"Thank you, ha?"

Napipilitang ngumiti ito. Kita niya ang pamamasa ng mga mata.

Hay, oo nga pala... Ito ang iyakin sa grupo nila.

Mabilis na dumeretso ng upo si Stacey. "Oh, my God! Matutunaw na itong frappe ko!" she faked a laugh before sipping on the straw. Nagnakaw siya ng sulyap kay Kylie na napatitig pa sa kanya bago nangingiting uminom na rin mula sa cup nito. Her friend's fingers gently wiped the tears at the corners of her eyes.

"Na-chat mo na ba si Marty?" pag-iiba niya ng topic.

"Yup!" pagsigla nito. "Nakuha ko na rin ang cellphone number niya!"

"Tinanong mo na ba 'yung tungkol sa attendance? Kung pwede nating makita?"

"Hindi eh," nahihiyang ngiti nito. "Nahihiya kasi ako."

Hay, naku...

She just gave Kylie an encouraging smile. "Sige, ako na mismo ang magtatanong."

Dumikit ito sa kanya pagkalabas ng cellphone mula sa kandong-kandong nitong pouch. Stacey copied Marty's cellphone number from Kylie's contacts list.

"Ang sinabi ko lang sa kanya, hinihingi mo ang number niya kasi mas importante kang itatanong," paliwanag ni Kylie habang pinapanood ang pagta-tap niya sa cellphone. "Nahiya talaga akong tanungin siya, eh. And I think, it's better that you come up with your own reason. Ayaw mo naman sigurong i-specify sa kanya na may kinalaman ito sa stalker mo."

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now