Chapter Thirty-Three - Favor

6.6K 173 19
                                    

AN:

STOP! This is a friendly reminder to disinfect your phone (wipe with alcohol) before or after reading this chapter! Wash your hands! Eat healthy! Stay at home and keep safe! :* <3

With Love,

ANAxoxo

.

.

.

"WE'LL FIND OUT ONCE WE SEE PROGRESS IN THIS ISSUE."

Na mas dapat akong makialam, dugtong niya sa sariling isip.

Nakalabas na siya ng mansyon. Sumalubong ang malamlam na liwanag ng araw. Tila nakikisabay ang panahon sa mood nila dahil sa kabila ng liwanag, namumuti naman ang kalangitan. Nagbabadya ng pag-ulan o 'di kaya'y paglamig ng panahon.

Nakakailang tawag na siya sa detective pero hindi pa rin ito sumasagot.

His eyes narrowed. Inis na binulsa na lang niya ulit ang cellphone.

That's it. I'm going to report him to his agency.

Siyang sulpot ni Stacey sa kanyang likuran. Sinigurado ni Renante na hindi nito mahahalatang namomoroblema siya. He spared a minute or two to watch her descend the stairs at the front of the mansion. To admire the way she walked, and the slow motion effect of how she lifted her eyes to meet his gaze.

The fitting crop trop made her shape more deadly. The exposed skin of her waists was a tasteful temptation.

Sinalo ng mga mata niya ang titig nito. "Gusto mo bang bumisita sa ospital?"

"Please," sagot nito.

He gave her a nod and offered an arm. "Let's go."

Napatitig doon ang dalaga bago siya nilagpasan. Renante watched her walk away from him. Naihilig na lang niya ang ulo bago nilakad ang mga paa.

.

.

NANG MARATING ANG OSPITAL, hindi na umalis sa tabi ni Piccollo si Stacey. Nakaupo lang siya sa upuan malapit sa kama ng natutulog na lalaking naka-hospital gown. Natural na mahaba ang tulog nito dahil sa sobrang pagod at dehydration. Kita rin niya niya ang mabilis na pagbabago ng masigla nitong mukha kagabi hanggang sa maputla nitong hitsura at tuyong mga labi ngayon. A dextrose remained attached on him to keep his fluids in balance.

Sa labas ng suite nag-uusap si Maximillian at Renante. Nung dumating kasi sila, pinauwi nito si Sondra para i-check ang anak nila. At gusto rin ng mga ito na sa labas mag-usap para makasiguradong walang maririnig si Piccollo na pwedeng ikabahala nito.

She was wondering what they could be talking about now.

Her eyes was still filled with worry. Pinapatatag na lang niya ang sarili dahil wala sa paniniwala niya na may nareresolba ang pag-iyak.

Piccollo, I am sorry. I should have told you earlier. I should have pushed you away already. Kung ginawa ko lang kaagad iyon, wala ka sana ngayon dito.

Stacey sighed.

This won't happen again. Not to you or to anyone. Determinado na ang mga matang nakatitig ngayon kay Piccollo.

.

.

"ANG SABI NG DOKTOR," seryosong wika ni Maximillian, "may nakita silang component ng lason sa blood stream ni Piccollo na matatagpuan din sa rat poison."

Through Dangers UntoldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant