Chapter Fifty-Two - Over and Over Again

5.2K 166 4
                                    

"I CAN'T BELIEVE THIS."

Hindi nilingon ni Stacey ang binata. Kahit sinabihan na niya ang lalaki na bukas pag-uusapan ang pagbisita ni Detective Orlando, hindi nakatiis ang binata. Dis-oras na ng gabi, heto at nasa bahay niya ang lalaki. They sat on sofa side by side.

Nakakalat ngayon sa coffee table ang mga larawang binigay kanina ng detective.

"Now tell me," Stacey spoke. "Can you still detach yourself emotionally from this? Can you still act logically? Because that's what you're trying to say when you suggested that you'll get close to Kylie for the sake of this case."

"Bakit ba bumabalik na naman tayo diyan?" gusot ang mukha na lingon nito sa kanya.

Nanatiling nasa kawalan ang kanyang tingin.

Sinabi niya ang mga sinabi ni Detective Orlando tungkol sa mga larawan, pero hindi niya binahagi rito ang tungkol sa pagpapaimbestiga noon ni Ronnie sa kanya. Gayundin ang mga akusasyon ng detective na iyon sa kanya.

"I don't know what to feel about this, to be honest," mahina nitong wika.

"Kaya ako ang haharap sa kanya," matatag niyang wika.

"Stace..." titig ni Renante sa kanya.

Was he worried? Was he scared she would find out something that involves him?

Hindi naman nalalayo na involved si Renante, 'di ba? Dahil heto, may involvement ang kapatid nitong si Ronnie sa namatay na si Detective Brian.

"I want to know his schedules, Renante."

"I will. But promise me something."

Napatitig siya sa binata. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Mas nangingibabaw ang panlalamig ng buo niyang katauhan.

"What is it?" walang emosyon niyang salo sa titig nito.

"Be honest with me. All the time. Okay?"

"Bakit?" kontrolado niya ang pag nginig ng tinig. "Iniisip mo na naman ba na isa akong sinungaling?"

He struggled with staring back into her eyes. His eyes slightly drifted, his mind running before their gazes locked once again. Renante's voice turned whispery.

"Of course, not."

"Then why make me promise to be honest?"

Napayuko ang binata.

Sigurado siya na may mga konklusyon nang namumuo sa isip nito. Anuman iyon, umaasa siyang malalaman niya iyon sa oras na makausap niya si Ronnie.

"And what if I lied?" she continued. "Will you stay away from me?"

He stared into her eyes. "No."

"Why not?"

"Lahat tayo, nagkakamali," lapit nito sa kanya. "Kahit ilang pagkakamali pa ang gawin mo, Stace, I don't think I'll ever leave your side. I'll just forgive you over and over again."

No. Renante didn't know what he was saying. He had never been in her position.

Hindi pa ito nasasaktan ng paulit-ulit, tulad ng ginawa nito noon sa kanya.

So, how could he say that he was capable of forgiving her over and over again?

.

.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now