Chapter Sixteen - Why Are You Here?

8.9K 204 9
                                    

STACEY WAS ALMOST STUMBLING ON HER STEPS. Sukbit niya ang bag habang bitbit ng kamay ang cardboard kung nasaan ang bagong design na ginawa niya. She hurried out of the house and locked the door.

Nang talikuran ang pinto, nagmamadaling sinuksok niya ang susi ng bahay sa bagong bukas na shoulder bag. She currently tucked the cardboard under her arm while stealing glances at Renante.

Maganda rin na kasama niya ngayon sa bahay ang lalaki. Hindi na niya kailangang magpa-book ng sasakyan papunta sa opisina. Nakaabang na sa kanya ang bukas na pinto ng sasakyan. Stacey immediately stepped in. Pinatong niya ang cardboard sa dashboard at kinandong ang shoulder bag. Nahigit niya ang paghinga nang yumuko ang binata para silipin siya.;

Hindi nakaligtas kay Stacey ang preskong amoy nito. His perfume was crisp, neat and minty. What made her heart stagger the more was the way he gallantly carried his outfit— a hugging pair of dark jeans and a black button-down shirt with sleeves folded in three-fourths.

"Yung susi ng gate?"

"Oh," yuko niya agad para hanapin iyon sa bag at iabot sa lalaki.

In exchange, he gave her the car keys. "Ilabas mo yung kotse, ako ang magla-lock sa gate."

Stacey nodded and closed the door. Lumipat siya sa driver's seat at nilabas ng bakuran ang sasakyan. Sinilip niya sa side mirror ang pagsara ng lalaki at pag-padlock doon. Then, he hurried toward the car. Nagmamadaling lumipat si Stacey sa katabing upuan.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki nang isara nito ang pinto. Buhay na ang makina ng sasakyan kaya pinausad na lang iyon ni Renante. Stacey kept her eyes on the road. Lingid sa kanya ang maikling pagsulyap ng binata sa kanya. She felt good about her white pencil skirt and a powerful red wrap-top. Nakaladlad pa ang buhok niya na medyo basa pa. Hindi na siya nakapag-blower dala ng pagmamadali.

She glanced at her rose gold wristwatch. Damn, she was already late.

"May appointments ka ba?" tanong ng binata sa kanya. "You look worried."

"Worried?" alertong ini-compose niya ang sarili. "No. I'm fine."

"I'm just asking. Kasi kung may alam kang shortcut, you better tell me already. Para mabilis kitang mahatid sa office."

Hinayaan niyang mamagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Dama niya ang nagtatakang sulyap ni Renante. Natagalan yata ito sa sagot niya.

"There's no shortcut," he concluded.

"Let's make one thing clear, Mr. Villaluz," pagseseryoso niya. "All of this is just to pacify your guilt, right?"

"Why ask me that?" pagbaba ng tono nito. Nasa kalsada na ang mga mata nito.

"Wala. Ayoko lang siguro umasa na may iba pang reason na ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin."

The silence was making the tension grow. Hindi na niya napigilang lingunin si Renante para basahin ang emosyon sa mukha nito. To her frustration, he was hard to read. His eyes were darkened to hide his mystery better. Tikom lang ang mga labi nito.

"Come on, Mr. Villaluz. I can take the truth," usig niya rito.

"You're right. Nagi-guilty lang ako sa ginawa ko sa iyo noon. Kaya ginagawa ko ang lahat ng ito."

That should put her at peace. Pero hindi pa rin siya mapalagay sa sinagot ng binata. Hindi siya makampante. Hindi siya kumbinsido.

O baka ayaw lang niya maniwala.

"Thank you," iwas niya ng tingin dito.

Hindi yata masakit ang umasa. Ang mas masakit ay 'yung alam mong wala talagang pag-asa.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now