Chapter Sixty-Two - The Dead End

6.9K 197 39
                                    

TSINETSEK NI STACEY ang laman ng mga paper bag sa counter nang balikan ni Renante. Mabilis niya itong nilingon.

"Nandito ba siya?" nag-aalala niyang tanong sa binata.

He nodded. "Yes. I think. Ang stalker mismo o ang tauhan niya."

"Paano'ng..."

"Dito na tayo kumain para mapag-usapan natin," anito habang inaako ang pagbitbit sa iba nilang in-order.

"Baka marinig niya ang pag-uusapan natin."

"Siyemrpe, doon tayo sa hindi matao."

"Bakit mo naman inikot pa itong café?" lakad ni Stacey kasama ang binata. Palapit sila sa nakitang bakanteng mesa malapit sa estante ng mga souvenirs. "May idea ka na ba sa hitsura nung stalker? O nung mga inuutusan niya?"

"Wala," he answered, putting down the paper bags on the round table. "Pero ginagamit nila ang cellphone ni Aurora para kuhanan tayo ng mga litrato habang minamatyagan nila. At alam ko kung ano ang hitsura ng cellphone niya. I thought I'll catch a person using that in here."

"Ibig sabihin? Nandito sila?"

"Oo," at binanggit ni Renante kung ano ang nangyari sa pagbisita nito kay Aurora.

"Why would they do that? Hindi nila naiisip na pwede silang mahuli?"

"I think it's a smart move," he murmured. "Si Aurora pa rin kasi ang may-ari pa rin nung cellphone. Pangalan niya ang naka-save sa contacts ng mga taong may kopya ng number o email na gamit niya roon. Mahanap man 'yung cellphone ng kung sino sa isang crime scene, si Aurora ang una nilang pagsususpetsahan."

"Fuck," she muttered.

Nilabas ni Renante ang isa sa mga inumin. He poked a straw on it and handed the drink to her.

"Thank you," nag-iinit ang pisngi na tanggap niya. Her heart melted at the thought that Renante gave her this salted caramel chocolate drink. Pero tinago pa rin niya iyon. She decided to confidently tilt up her head as she accept the drink and smile politely. Hindi naman naghintay ang binata na magpasalamat siya o purihin ito. Mabilis na nagkalkal ulit si Renante sa isang paper bag.

Yumuko siya para sumimsim ng kaunti. Kahit umiinom, nasa binata pa rin nakatutok ang mga mata niya.

"Kumain ng marami," bukas nito ng kaunti sa wrap ng isang sandwich bago iyon nilapag sa ibabaw ng paper bag na kaharap niya. "You have to be in condition all the time."

Napatitig na lang siya sa binata. Abala na ito sa paghahanda ng sariling iinumin at kakainin.

Stacey didn't know how lost she was that moment. Natagpuan na lang niya ang sariling kamay na nakalapat sa pisngi ng binata. He paused from what he was doing to gaze at her softly. Hindi niya napigilan ang pamumutawi ng ngiti mula sa kanyang mga labi.

"Thank you. Kahit... kahit delikado... nandito ka pa rin..."

"Hahayaan ko bang manalo ang kalaban? Iyon ang gusto niya, 'di ba? Ang ilayo ka sa akin? Ang ilayo ako sa iyo?" mayabang nitong ngisi. Her heart stood still the moment his hand felt her hand on his cheek. He closed his eyes before angling his face to kiss her palm. Pagkatapos, binalik nito ang palad niya sa pagkakalapat sa pisngi nito.

He opened his eyes and met hers.

She was almost breathless... and scared. This tension was still as alive and as fiery as it had always been. Now, he heart was pounding, livelier than ever.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now