Chapter Twenty-Seven - Third Wheel

6.5K 174 5
                                    

KINABUKASAN, gayak na gayak si Stacey habang nasa loob ng sasakyan ni Renante. Siya ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan dahil hirap ang lalaki magmaneho ng isang kamay ang gamit. Nakaupo ito sa tabi niya, suot ang itim nitong long-sleeved button-down polo. He looked so sexy in tuck-in's, brown leather belt and fitting pants. Makintab ang brown leather shoes nito. She glanced at his wrist wrapped by a silver luxury watch, then his bandaged hand... Nag-alala na naman siya.

Ah, she shouldn't. Hindi naman ito nabalian ng buto. He just had some cuts, especially on his knuckles. Mabilis itong gagaling.

Umiwas siya agad ng tingin nang lingunin ng lalaki.

"Eyes on the road," he spoke lowly, so sexily she could see a tug of playful smile at the corner of his lips.

"I am going to meet Marty on my lunch break," seryosong wika na lang niya sa binata habang deretso sa kalsada ang tingin. "Pwede bang hiramin ko itong kotse mo?"

"So, ako ang una mong ihahatid?" kunot ng noo nito.

"Yes."

"Are you not planning to bring me with you?"

"Para i-meet si Marty? Bakit?"

"Alam mo kung bakit. He's our suspect."

She lifted her chin to get a better view of the road ahead. "Tatawagan kita kung kailangan ko ang tulong mo, okay?"

"What if I came too late?"

Binagalan niya ang andar ng sasakyan dahil sa kotseng nakahinto sa unahan nila.

"You won't be," lingon niya kaya nagtama ang mga mata nila.

He remained tightlipped, disapproval shone in his dark eyes. It was too heavy to bear, she chose to break away from their locked gazes.

"Renante..." nakikiusap niyang sulyap dito ngayong nakatigil na ang kotse.

"I won't be able to forgive myself if something happened to you," he darkly stated, eyes on the front.

Stacey rolled her eyes. "Ang O.A. mo."

Humigpit ang mga kamay niya sa manibela at binalik sa harap ang tingin. She felt a tingle of fear slithering all over her skin. Intentions were beginning to get blurry for her. Hinayaan lang niyang pumasok muli sa kanyang buhay si Renante para makatulong sa pagtunton sa stalker niya. Pero nag-aalala rin siya para sa kaligtasan nito. Hanggang sa gusto na niya ang nangyayari ngayon dahil sa ganitong paraan, parang kanya si Renante— ang katawan at atensyon nito, kung hindi man kasama roon ang puso nito. Yet, she had to project this behavior that she wasn't affected like this. She's back to being a pretend. She's back to hiding her true feelings again.

She's back to keeping her love for Renante a secret.

Alam naman niyang sa oras na makabawi si Renante sa kanya sa mga nagawa nito noon sa kanya, magpapaalam na rin ito. Nakakailang ulit na siya nito sa isip niya.

Pero ewan. Heto siya at... mas iniintindi ang kasalukuyan.

Fuck the future. Hindi siya takot dahil handa na siya. Handa na siya sa katotohanang hindi sila ni Renante ang magkakatuluyan sa huli. But as much as she was very careful, she knew her heart is still at risk. At may kaunting takot dahil tinaraydor na siya ng sarili niyang puso noon. It made her a scheming girl, a bad friend, a woman who took advantage of drunken Renante years ago. Siguro nga, tama lang ang ginawa noon ni Renante sa kanya. Parusa niya iyon sa pagiging mapusok niya.

Through Dangers UntoldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang