Chapter Sixty-Four - Clarity And Finality

6.5K 171 13
                                    

AYON SA NAGING KONKLUSYON NG COURT HEARING, nagsimula ang lahat bago pa ang alumni party. Yrina Romualdez returned to the Philippines months ago, out of her motivation to exact revenge on Renante Villaluz. Habang pinapamatyagan ang lalaki, nadiskubre nito mula sa inutusang tauhan na hinahanap daw nito noon si Stacey.

Because of that, Yrina thought she found Renante's weakness.

That harming Stacey would double the torture for him.

Sinimulan ni Yrina ang pag-infiltrate sa alumni party na dadaluhan ng dalaga. Ang pamilya ng mga Romualdez ang may-ari ng events place na pinagdausan ng alumni party. Ilang araw din nag-rehearsal doon ang mga host ng alumni party. Yrina patiently observed from afar. Until she noticed the anonymous letters. 'Yung lalaking nakasalamin, nahuli nitong palihim na hinahalungkat ang isang garapon habang nag-oobserba mula sa malayo. Nahuli ito ng isang kasamahan at mukhang nakalusot naman ito nang magdahilan dito.

She grew interested with the anonymous letters. Mukhang magandang doon magsimula ng pananakot kay Stacey.

Yrina immediately approached Marty once he was already alone. In fact, he was alone most of the time during that rehearsals. Choice siguro ng lalaki para may pagkakataon itong halungkatin ang mga anonymous letters sa garapon.

Siyempre, diniskartehan na rin ng dalaga na banggitin ang tungkol sa paghalungkat nito sa garapon. She managed to corner him and make him admit the reason why. She thought, that's more interesting.

The stalker concept... Parang magagamit iyon ni Yrina sa balak nito laban kay Renante.

Kunwari nakikisimpatya siya sa binata. Na lahat ng tao ay may karapatang magbagong-buhay, at kung anu-ano pa. Nagpresenta ang dalaga na dadalhin ang garapon sa opisina nito at ito na mismo ang maghahanap ng sulat na hinahanap ni Marty.

As soon as she took the jar, she put in her own letter for Stacey. Hindi siya nag-abalang hanapin ang sulat na gustong tanggalin doon ni Marty. Magre-rehearsal na noong dumaan ang binata sa opisina na katabi ng mismong event's hall na iyon. Nagkunwari siyang dismayado kasi hindi mahanap ang sulat ni Marty para kay Stacey. Marty was obviously disappointed, but not shocked because he himself knew that the task was impossible.

At doon na nagsimula ang lahat. Yrina hired two men to do the dirty job. At ang dalawang lalaking iyon, naka-engkwentro si Marty nung gabing nakitulog ito kina Stacey.

Marty was anxious that night. Hindi ito makatulog ng maayos kaya pumuslit ng labas ng kwarto. He heard moanings in Renante's room. He thought that it was a good opportunity to sneak out a bit— they were busy.

Binuksan ng binata ang pinto at natiyempuhan ang dalawang lalaking paikot-ikot sa nakaparadang kotse ni Marty. Ginasgasan ng mga ito ang salamin ng kotse. Muntikan na nitong sugurin ang mga lalaki nang pigilan ang sarili. He thought that he should let them ruin his car... it would make the situation in favor of him.

Hidden by the shadows of the dark living room, Marty watched them destroy the car. A creepy relieved smile etched on his lips as a realization dawned upon him— na may ibang taong nananakot kay Stacey. Na ibang tao ang matutunton ng mga ito at hindi ang binata mismo na matagal nang tumigil sa pagi-stalk sa dalaga.

Gusto man nilang imbitahan si Marty sa hearing, hindi na nila ito mahagilap dahil sa galit nitong mga kamag-anak. Galit sila dahil sa nalamang tangka ng lalaking magpakamatay nung kinausap niya ito sa café. Thankfully, Orlando voice recorded his short interview with Marty. Nangyari iyon nang bisitahin ng detective sa ospital at kalmado na ang binata para magkwento ng mga alam nito. Nakumbinsi nito si Marty na magbigay noon ng statement sa kagustuhan ng lalaki na maabsuwelto mula sa gulong si Yrina naman talaga ang may pakana.

Through Dangers Untoldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن