Chapter Nine - The Hardest

10.3K 236 11
                                    

BINABA NA NI RENANTE ANG CELLPHONE. Hinarap siya nito.

"See? Parating na yung katulong para buksan yung pinto," kaswal nitong saad matapos tawagan ang telepono ng mansyon para makausap ang isa sa mga katulong doon.

Stacey just sat at the foot of his bed.

"Ikaw kasi, eh. React ka kaagad," lagpas nit Renante sa kanya para tumayo sa harap ng salamin at suklayin ng mga daliri ang buhok nito. "The root of all our arguments is you reacting first before thinking."

"No," she retorted matter-of-factly, full of disbelief. "The root of all our arguments is you not reacting anything at all."

Nilingon ito ni Stacey. Pinatong niya sa balikat ang baba habang pinagmamasdan ang lalaki.

She didn't know why out of the blue, all her heartaches were coming back. It was clenching her chest. How could looking at Renante hurt her this much? Dahil ba kahit parang inaayos na nila ang lahat sa pagitan nila, wala pa ring kasiguraduhan na mapupunta sila sa gusto niyang puntahan ng lahat ng ito?

What? She wanted to be with this jerk again?

Romantically?

Kahit siya mismo, hindi makapaniwala sa pinapahiwatig ng mga nararamdaman niya ngayon.

Mukhang nakahalata ang lalaki nang masilip ang repleksyon niya sa salamin. He stopped arranging his jet black hair and turned to her.

Napakurap siya, napaawang ang mga labi at hindi alam ang sasabihin. Then she immediately recovered. Tinapangan niya ang pagkakatitig dito.

"And why is my reaction important? Will it solve anything?" kalmado nitong tanong. Kita niyang hindi siya hinahamon o pinapagalitan ng lalaki sa pagkaka-deliver ng katanungang iyon.

"Maybe it won't solve anything, pero magiging open ka naman sa page-express ng nararamdaman mo."

"Says the girl who can't admit she likes me," ngisi nito. "Before," he corrected.

Maagap siyang nakadampot ng nagkalat na unan at binato iyon sa mukha ni Renante. Sumapul iyon at nasalo ng lalaki bago tuluyang nahulog sa sahig. He lifted his head, his eyes slightly covered by some hairstrands before a soft smile stretched his lips.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang palapit ito sa kanya. Bahagyang sumayaw-sayaw ang bitbit nitong unan.

"Hoy! Hoy!" salag agad ni Stacey ng mga braso pero nahablot na siya sa batok ni Renante at paulit-ulit ang pabiro nitong pagpalo ng unan sa mukha niya.

Kahit anong iwas niya ng mukha, natatamaan siya ng unan.

"Stop! Stop!" panay ang salag niya hanggang sa mapahiga na siya sa kama nagkakakawag ang mga paa.

Should she laugh? Should she be mad?

Were they arguing?

Or is this a playful banter?

Playful because he was not really hurting her with the pillow. It felt more like an invitation to a pillow fight...

Should she cry?

Cry because of what? A silly pillow fight?

Or cry because she had never been this close to Renante before?

This close that he would not mind being playful with her?

Napakaliit na bagay... bakit... bakit ganito?

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now