Chapter Forty-Nine - Comeback

5.9K 189 28
                                    

NASAPO NI STACEY ANG NOO. Napabuntong-hininga na lang siya nang marinig mula kay Renante kung sino ang bangkay na nasa sahig ng kanyang bahay.

"Siya si Detective Brian Ortiz," dugtong ng binata matapos banggitin na ito ang ini-hire nitong mag-imbestiga at kilalanin kung sino ang stalker.

Nag-angat siya ng mga mata sa binata mula sa kanyang pagkakaupo sa solohang sofa.

"Ano na ngayon ang gagawin natin sa kanya?"

Nanatiling nakatayo si Renante. He stood on the side where the dead body was facing. Kung ano ang hitsura nito noong nakita ni Stacey ay pareho pa rin. Hindi niya kasi tinangkang hawakan o galawin ang bangkay.

Nakapatagilid ito ng pagkakahiga sa sahig. Matigas at walang katinag-tinag. Kapansin-pansin din ang pangangamoy nito. Pinagpapasalamat na lang niya na hindi pa nade-decompose ang katawan. Kung hindi, baka hindi na niya kayanin pang tingnan ito. Nakasuot ang lalaki ng pantalon at t-shirt na asul. Napapatungan ang t-shirt ng denim jacket. Walang makikitang bakas ng anumang dugo sa paligid nito.

Naaawa siya sa tuwing napapagawi ang tingin sa patay. Tulad na lang ngayon. Samantalang walang mababakas na anumang emosyon sa mukha ni Renante. He looked the most unaffected between the two of them.

"What's weirder is that," patuloy ni Renante, sumisiyasat ang mga mata sa bangkay nang hindi umaalis sa kinatatayuan nito, "hindi makalat ang pagkamatay niya."

She nodded in agreement. Nahilamos na lang niya ang isang kamay sa mukha.

"Posibleng hindi siya dito pinatay. It could be somewhere far from here. Tapos, dinala na lang siya rito para ipanakot sa iyo."

Bumaba ang binata. She watched him squat and lift an arm.

"Anong gagawin mo!" She could not help blurting it out. Tangka yata ng binata na hawakan ang bangkay.

And Renante confirmed it. "I'll just check."

"Check?" tayo niya mula sa kinauupuan. "Renante, huwag mong hawakan 'yan. Huwag na huwag mong hahawakan?"

Nagsalubong ang mga kilay ng binata.

"We have to check. Baka may clue tayong makita. He's my detective, so most probably, he left some photos or notes in his cellphone. Pwedeng makatulong iyon para ma-update tayo sa bagong progress ng investigation niya."

"Can't we just..." Stacey knew where she was going with this. Napailing tuloy siya.

Hindi. Hindi pwede itong naiisip niyang solusyon.

"Can't we just what?" tindig ni Renante para mag-level ang mga mata nila.

She returned her eyes on him, caught his gaze.

"Gusto kong maalis na ang bangkay niya rito. Can't we call an ambulance or... or a funeral service?"

"Then what?" pamewang nito gamit ang dalawang kamay. "We will be asked for details about him. And we don't have any clue."

"Una kong naisip na tumawag tayo ng pulis pero," napaiwas siya ng tingin, "malilintikan tayo nito. Siguradong magiging suspects tayo sa magiging kaso ng pagkamatay nitong detective mo."

"If someone complains," Renante remained calm. "Eh, alam naman ng asawa niya na client niya ako. At aware ang asawa niya na darating si Brian sa ganito. Na may posibilidad na hindi na siya mauwian ng asawa niya."

"That's so cruel!" she snapped at him.

"What's cruel about it?"

"The fact na parang hindi ka apektado sa pagkamatay niya. Na hindi malaking issue itong pagkamatay niya!"

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now