Chapter Twenty-Six - Piccollo

7K 181 26
                                    

NILATAG NI STACEY ANG KUMOT SA KAMA. Nilagay niya ang mga kamay sa bewang at tinitigan ang bagong ayos na higaan.

"There," she panted.

Tapos na rin siyang maligo. Nakasuot na lang siya ngayon ng itim na bralette at sleeping shorts na kapwa gawa sa kulay maroon na satin. She tossed back her blowdried hair that hung over her shoulder. Pagkatapos, inikot niya ang mata sa silid. Nasa isang sulok na lang niyon ang pinagpatong-patong na mga canvas ng paintings ng kanyang Tito Manuel. Naiwan sa dresser table ang laptop ni Renante.

She could feel her tightening chest.

Should she check his laptop?

Bakit? Napapaniwala na ba siya ni Marty na posibleng may kinalaman si Renante sa panggugulo ng stalker niya ngayon? After all these years of being on hiatus?

Umiling siya. Itatabi na lang niya ang laptop nito sa drawer. Lumapit siya sa dresser table, hinila iyon pabukas at tumambad ang laman ng drawer— puno iyon ng mga garapon at tubes ng oil paints. She shoved it close.

"Okay na ito," lingon niya ulit sa kamang tutulugan ni Renante habang naglalakad patungo sa pinto.

She smiled and closed the door as she got out.

Pagbalik ng kwarto, naghihintay na sa kama ang nakabukas niyang laptop. Nakalapag malapit doon ang manila envelope kung nasaan ang mga flashdrives. Dumapa siya roon, binuhos ang laman ng manila envelope at inisa-isa ang mga flashdrives.

She picked one and inserted it on her laptop's USB port.

Pagkatapos, nasapo niya ang noo. Her hand ran from her forehead up to her hair. Kasabay niyon ang pagyuko ni Stacey, kumurtina tuloy ang ilang hibla ng kanyang buhok patakip sa kanyang mukha.

Her eyes softened.

Ano'ng oras na, magkasama pa rin si Renante at Kylie?

"Aahhh..." she groaned. Sinubsob na niya ang mukha sa kama, malapit sa kanyang laptop.

Keeping her feelings for Renante should have already trained her to be unaffected at times like this. Pero nagpapabalik-balik sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Kylie kanina sa milk tea café na iyon.

She obviously cared for Renante more than me, ahon ng ulo niya.

Stacey stared blankly at nowhere. Nang maka-recover, umayos siya ng pagkakadapa sa kama at binalik ang atensyon sa papanooring CCTV video.

Then she remembered something.

Nagmamadaling lumabas siya ng bahay. She was already draped in her robe. Hinihigpitan niya ang pagkakatali niyon sa kanyang bewang habang tinatahak ang bakuran. Paglabas ng gate, pumihit siya paharap doon. Ginala niya ang paningin hanggang sa makita ang CCTV na nasa poste malapit doon.

Kailangan kong magrequest ng kopya ng video ng CCTV dito, she thought.

Papasok na dapat siya ng gate nang biglang may tumakip sa kanyang mga mata at bibig.

.

.

RENANTE HALTED THE CAR. Nilingon niya si Kylie na katabi lang niya ng upuan. Parang nagulat pa ito kung bakit tumigil ang kotse. Sumilip ito sa bintana sa side niya, doon kasi kita ang bahay ng dalaga. Then she managed a sweet smile.

"Oh, we're already here," alanganin nitong tawa.

He just gave her a nod.

"Thank you, Renante," ngiti nito.

"Sure," he just shrugged.

Parang may hinintay pa ito bago nerbyos na tumawa. "Oh, well, bababa na ako," paalam nito.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now