Chapter Twenty-Four - Assurance

9.5K 204 18
                                    

NASA KASAGSAGAN NA SILA NG BIYAHE. Pagkatapos mag-lunch sa café na iyon, heto sila ngayon at pabalik na sa bahay. Stacey checked her emails on her phone for updates related to her business. May tsinek siyang ilan sa mga emails na blind carbon copied sa kanya.

All throughout the trip, Renante kept stealing glances at her. Hindi nakaligtas sa binata ang labis na kaseryosohan sa kanyang mukha. May mga pagkakataong napapamasahe siya sa sariling sentido at kumukunot ang noo sa mga binabasa. Sumakit pa lalo ang ulo niya dahil wala pa siyang natatanggap na update tungkol sa CCTV video na nire-request niya mula sa homeowner's organization ng subdivision na tinitirahan niya. May kinalaman kasi ang makukuha niyang ebidensya sa nangyari sa kotse ni Marty.

Pagkatabi ng cellphone sa pouch na kandong, tumulala naman siya sa bintana. Wala sa mga nadadaanan ng sasakyan ang atensyon niya.

It all went back to her conversation with Kylie.

Pero ano?Bakit ayaw mong humingi ng tulong sa mga taong mas makakatulong? Ano ba ang matutulong sa iyo ni Renante?

Dumaan din sa pagbabalik-tanaw niya ang klase ng titig ni Renante kay Kylie kanina. Ang nag-aalalang paghawak ni Kylie sa kamay ng binata na nakabenda.

You're so concerned with Renante, Kylie.

The way Kylie's eyes looked when she said that was refreshed in her mind. The sweet-looking girl became more worried.

I care for all my friends tila hindi pa tiyak ang tono ni Kylie nang isagot iyon sa kanya kanina.

"Stace," basag ni Renante sa katahimikan. May sasabihin pa ito pero pinigilan ng pagsinghap niya.

"God." At nilingon si Renante. "You have to hurry. Baka tumatawag na sa bahay 'yung car repair—"

"Don't worry. Dala ko ang phone ko. I strictly advised them to call me too, kapag may cost estimate na sila para sa mga ipapagawa at papalitan sa kotse ni Marty."

Naningkit ang mga mata niya rito. "And why did you do that?"

Sumulyap ito saglit bago binalik sa harap ang tingin. "Why? I just want to help. You might need additional cash."

"Mr. Villaluz—"

"—kaya ko na ito," he mockingly mimicked her voice.

"You!" kukurutin niya sana ito pero napigilan niya ang sarili. She slapped her hand on her knee.

Napalingon tuloy ito sa kanya. Pumasada saglit ng tingin sa kabuuan niya. His eyes lit in satisfaction at the very sight of her lips with a sexy, burgundy lipstick, a laid-back round neck ringer shirt and tight jeans. The sexiest part was the way her eyes softened while looking at him. It was all because of this overwhelming feeling consuming her. Talagang desidido si Renante na makabawi sa kanya.

Hindi na ako magtataka kung totoong may gusto si Kylie sa kanya, Stacey thought.

"You can tell me what's troubling your mind, Stace," tila paalala nito ngayong nasa kalsada na ulit ang tingin.

Is it even right if I feel this way? Jealous. Threatened...

Nagtitimping tinikom lang ni Stacey ang mga labi.

"You look so tense," magaan nitong tawa. "How can I help you, Ma'am?"

Sinipat niya ang side mirror. Sumiple din siya ng tingin sa salamin sa bandang uluhan nila. May mga sasakyan sa likuran nila dahil nasa national road sila at naka-red light ang stoplight.

"Pwede tayong mag joyride."

"And where are you planning to take me for a ride, Mr. Villaluz?" she asked seductively, with an intension to just joke around.

Through Dangers UntoldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt