Chapter Nineteen - Told U So

8.7K 173 13
                                    

SOMETIMES IT IS MUCH BETTER TO NOT ASK QUESTIONS. Hangga't aware silang dalawa kung bakit sila magkasama at para saan ang pagtira ni Renante sa bahay niya, tama na iyon para kay Stacey. Sapat na iyong dahilan para huwag na siyang mag-assume pa ng kung anu-ano.

The sex it wasn't not just an expression of love. Sometimes, it is a therapy, a stress-reliever... a conditioning kind of activity? Now she was questioning if it really mattered why people have sex with each other...

Of course, it should matter but life is full of contradiction and situational-basis scenarios...

Nilingon ni Stacey si Renante nang ma-realize iyon.

May natutunan na naman ako sa iyo, her eyes softly laid on Renante's face. At may iniwan ka na namang mga tanong sa akin, Renante.

He was already calm and peacefully sleeping.

Nanakit man ang katawan, pinilit niyang makabangon. Tinanggal niya ang braso nito na nakayakap sa kanya bago bumaba ng kama. Hinahanap niya ang mga damit nang mapansin sa night table ang cellphone ni Renante. Dinampot niya iyon at in-on. Bumungad sa kanya ang kulay itim na wallpaper. That's it. Just a black-colored wallpaper without any design or whatsoever. She shrugged and looked at the clock on display.

Alas-singko na! panic niya kaya binaba iyon at nagmadaling nagbihis.

Mahimbing pa rin ang tulog ng lalaki nang sumilip siya sa labas. Pigil pa rin niya ang paghinga.

Wala si Marty. Good.

Maingat siyang lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ni Renante. Tumingin ulit siya sa paligid.

Tahimik. Sobrang tahimik.

Doon niya pinakawalan ang pinigilang paghinga. Dali-dali siyang pumasok sa sariling kwarto. Stacey had a long hot shower before dressing up to a high necked sleeveless dress. Puting-puti iyon. Bumagay ang contrast sa pagkakapula ng may lipstick niyang mga labi. Naggayak na siya dahil alanganing oras na. Magbu-book pa siya ng sasakyan dahil hindi siya mahahatid ni Renante. She also haven't bought a new car yet. Magte-take out na lang din siya ng pagkain. Sa office na lang siya kakain.

Naglagay siya ng kaunting make-up at nag-spray ng pabango.

Stacey stared at her own reflection.

"Bakit hindi ka na-in love sa akin, Renante?" kuwestiyon niya. "Maganda naman ako, ah?"

Napalabi siya. Hay, ewan.

Nilisan niya ang dresser at inayos ang mga gabi sa gagamitin niyang shoulder bag. As she opened the door, she remembered Marty.

God. Nakalimutan ko na naman si Marty, isip niya habang papunta sa kwartong ginagamit nito. Hindi naman ako pwedeng mag-luto nang ganito na ang suot.

Kinatok niya ang kwarto. "Marty?" Tumigil siya at naghintay ng response. Wala pa rin kaya kinulit niya ito ng pangangatok. "Marty! Marty?"

Nakahinga lang siya ng maluwag nang bumukas na ang pinto. Bumungad ang pupungas-pungas na binata.

"Oh, Stacey?" gulat nitong bungad at napahikab pa.

Bagot na tingin ang tinapon niya rito. "Hoy, Marty. Anong oras na. Alas-sais na. Ayaw mo naman sigurong ma-traffic pabalik ng Tagaytay."

"Ah, yes," antok nitong sandal sa hamba ng pinto.

Naekis niya ang mga braso. "Nagpuyat ka ba?"

Inayos nito ang suot na salamin. "Ako? Ah... Hindi. Hindi naman."

Parang inaantok ka pa kasi, paniningkit saglit ng mga mata niya rito. Stacey composed herself. "Get ready to go. Kasi aalis na ako para pumunta ng office."

Through Dangers UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon