Chapter Twenty-Five - Annabel Lee

7.8K 172 11
                                    

NANATILING NAKADAPA SA KAMA SI STACEY. Sa ibang direksyon nakaharap ang mukha niya. Nagbibihis si Renante, nakatayo sa kabilang tabi ng kama kung saan hindi niya ito nakikita.

"How are you, Stace?" may paghingal sa tanong ng binata na nagbubutones ng pantalon nito. "Feeling better?"

Hindi siya nakaimik agad.

"Natanggal na ba ang stress mo?"

Here he goes again, reminding her what this is all for.

"Kung hindi tumalab, we can do it again..."

"It's so good, Renante," paos niyang sagot nang makakuha ng enerhiya na ibuka ang bibig.

It was true. It was good. The muscle pains she was enduring right now was worth it. She felt so thouroughly filled in and warm.

Lumubog ang parte ng kama sa likuran niya. Nilunok niya ang singhap nang humagod ang isa nitong kamay sa kanyang braso. Renante gently massaged. Stacey closed her eyes a bit, feeling an inexplicable comfort with the way he touched her.

"You're so quiet there," masuyo nitong saad. "Are you worried?"

Yes. You're right, Renante.

Pero hindi. Hindi niya maisaboses iyon. Bakit pa? Alam na naman niya kung ano ang nararamdaman ni Renante. The sex they were having were either out of their physical need or his obligation to make it up to her. At para kay Renante, dapat naiintindihan niya iyon at hindi siya dapat mag-assume ng anupaman. They had a proper talk like adults, so they should understand their situation.

Yet, her whole being remained in love with him.

So in love, she was blinded from his bad sides by the good things he does.

He gave her shoulder a gentle squeeze.

"Nandito na ang mga damit mo pala," patuloy nito. "Tulog ka nung dinala rito ng laundry service. Do you need help in getting dressed?"

"No, thank you," aniya at pinilit na ibangon ang sarili kahit namimigat pa rin ang kanyang katawan.

She had never been this sore between the thighs. Her legs shook as she stood up and walked. Sinundan siya ng mga mata ni Renante. Nakalapit na siya sa abot-tanaw na dresser table nang umusog ito sa gilid ng kama para makababa at masundan siya.

Habang nilalabas niya mula sa laundry bag ang mga damit, humagod ang isang kamay ni Renante sa kanyang braso. Stacey glanced and watched their reflection. His soulful eyes trailed from her arm to her bare shoulders.

"While you are sleeping, tinawagan na rin ako nung sa car repair," patuloy nito sa mas masuyong boses. Direkta nang nakatitig sa repleksyon nila sa salamin sa dresser table si Renante. "May cost estimate na. Around two hundred thousand."

Napalunok siya. Yes, Stacey has all the money. Pero hindi pa siya gumagastos ng ganoong kalaki sa pagpapagawa lang ng kotse. 'Yung nasira nga niyang kotse, dinispatsa na lang niya para umiwas sa ganoong gastos...

Renante's arm embraced her neck. Siyang patong ng baba nito sa ibabaw ng braso nitong nakayakap sa kanya. His eyes still stared at her reflection.

"Kaya ba?" tanong nito.

"Oo," baba ng mga mata niya para ilabas ang pantalon na naiwan sa laundry bag. "I can pay for all of that. I just need to contact Marty and let him know about the papers. Dadaanan ko bukas 'yung forms. Then I will meet Marty."

Nakaharap na ang mukha ni Renante sa kanya. "Make sure you're with me when you meet Marty."

"Renante, kaya ko na ito," mahigpit niyang wika at inalis ang nakayakap nitong braso sa leeg niya para makapagbihis na.

Through Dangers UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon