Chapter Twenty - Work From Home

8.3K 192 15
                                    

ILANG ORAS BA SIYANG BALAK IBURO NI STACEY SA KWARTO? Bagot na binalik ni Renante ang mga mata sa laptop. Nakapatong iyon sa worktable sa silid na pinagamit ni Stacey sa kanya. He was currently checking his emails. Late na siya kaya hindi na tumuloy ng biyahe sa VVatch.

Actually, he can still go there anytime he wanted. Kaya lang, hindi na raw tutuloy ng pasok sa opisina nito si Stacey. Kung tutuusin, mas secured doon ang dalaga dahil gwardiyado. Kaya kung dito lang ito sa bahay magta-trabaho, hindi na rin siya aalis.

Tapos na siyang i-inform ang sekretarya na hindi siya makakarating sa opisina niya. Gayunpaman, nire-require niyang i-update siya sa bawat nangyayari sa office. Lalo na 'yung may kinalaman sa trabaho niya. Next, he browsed some wristwatches online. Tumitingin-tingin lang siya at baka sakaling may makuha siyang magandang ideya para sa susunod na model ng relo na ipo-produce ng VVatch.

Gusto niyang magkape pero mahigpit ang bilin ni Stacey na sa kwarto lang muna siya dahil may bisita ito.

That guest was one of Stacey's employees. Pinag-communute ito ng dalaga para personal daw na makausap. He thought that was too much. Pero ano ba ang alam niya sa negosyo ni Stacey?

.

.

SAMANTALA, nakaupo sa salas si Stacey kausap ang Production Manager na si Yvonne. Nilabas nito mula sa isang sealed pack ang sample ng mga rattan. Iyon ang sinuhestiyon sa kanya kahapon ni Yvonne na materyal para sab ago niyang disenyo.

"Matibay ang rattan," patuloy ni Yvonne habang iniinspeksyon niya ang hawak na sample ng materyal. "Pwede nating paikutan ng yarn para ma-achieve yung malambot na texture na gusto mo ara sa bag, Ma'am."

"But isn't that going to be more complicated?" sulyap niya rito. "I mean, magiging obvious kasi yung spots na walang yarn. Magmumukhang nabitin siya sa yarn imbes na nakapatong lang yung design sa bag."

"Ang naisip kasi namin ng team ko, Ma'am," pormal na sagot nito, "gawa sa rattan ang buong exterior ng bag. Leathery ang loob. Tapos para sa makulay na design, ipupulupot yung colored textile."

"At magiging iba ang habi ng buong bag sa disenyo. Kung ipupulupot yung soft textile, susundan niya yung disenyo ng pagkakahabi nung rattan, 'di ba? It won't follow the design I made."

"Hmmm," check nito sa cardboard kung nasaan ang ginawa niyang draft ng disenyo.

"So, in any case, ipapatong lang dapat yung disenyo sa harap nung bag," patuloy ni Stacey.

"Sige, Ma'am. Titingnan namin kung ano pang alternatives ang pwede," angat nito ng tingin sa kanya.

"Alternatives? Why can't we just do the simple thing here? Ididikit lang natin yung design. Done."

"That would compromise the quality of the bag, Ma'am. Kilala ang produkto natin na mainly woven. Madaling matanggal 'yung mga de-dikit na designs."

"Unless, maganda ang quality ng glue na gagamitin, 'di ba?"

Kumunot ang noo niya dahil bukod sa hindi nakasagot agad si Yvonne, lumagpas sa kanya ang tingin nito. She looked over her shoulder. Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang nakatayo sa hamba ng pinto ng kwarto nito si Renante.

Itong lalaking ito! Hindi man lang nagbihis! Pasada ng tingin niya sa v-neck at boxer shorts na suot nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"What? I got thirsty," makahulugang titig nito sa kanya.

Her eyes moved, gesturing him to go back to the room.

"Magtitimpla lang ako ng kape," kampanteng alis nito sa pinto. Napunta kay Yvonne ang tingin ng binata. "Coffee?"

Natigagal lang ang babae. Parang makakaltukan niya si Yvone dahil sa pagkakatitig nito kay Renante.

Through Dangers UntoldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant