Chapter Forty-Eight - Joint Forces

5.2K 160 9
                                    

 "WILL YOU BE ALRIGHT?" tanong ni Renante.

Habang nagmamaneho ng kotse, nagnakaw siya ng sulyap sa cellphone na naka-loudspeaker sa dashboard. Wala siyang kahit anong earphone na magpapadali sana sa pagsagot niya ng mga tawag dahil hindi naman iyon gawain ng binata. He strictly forbade himself to drive while talking on the phone.

Crazy to think that he was doing an exemption now. Napangiti na lang siya, pero may kaunting pag-aalala sa mga mata.

Of course, Renante. I can manage.

Just like what Stacey always says— she would manage.

"I'm only letting you because you insisted," aniya at dahan-dahang pinaliko ang sasakyan. "But, after I drop off my stuff in the house, I'll be coming over."

Then come.

A silence took place between then. Renante shove in a deep breath at the inviting sound of her voice. The way she spoke as if encouraging him to come, even if that wasn't what Stacey meant.

"I will," kontrolado niyang basag sa katahimikan. "Please, be careful."

I will, Stacey coolly said, airy with confidence. Ciao.

Hindi pa siya nakakasagot ay naputol na ang tawa.

"Oh, don't say goodbye to me," he managed a grin as he drove faster.

Tila nakikipagkarerahan ang kanyang kotse sa buwan sa kalangitan.

.

.

NANG MARATING ANG BUNGALOW, bumaba pa si Stacey ng kotse para buksan ang gate. Bago gawin iyon, sumilip muna siya sa loob. Her eyes keenly observed the yard. Mukhang wala namang kakaiba roon. Binuksan na niya ang gate at pinasok doon ang kotse na hiniram niya sa mga magulang bago umalis noon.

She got down from the car, carrying some of the bags that she can manage to bring. Binuksan niya ang pinto at naibagsak ang ilang mga dala nang may makitang katawan ng lalaki sa sahig.

Stacey remained firm and composed, despite the fact that the shock made her drop some of her bags. Nanatiling nakapako ang mga mata niya sa nasa sahig ng salas na iyon. Nakaabang siya sa pagkilos nito.

Pero walang buhay na ang katawang iyon.

.

.

NASA MANSYON NA ULIT SI RENANTE. Pagkarating na pagkarating sa mansyon, ito ang una niyang inasikaso imbes na ilabas ang mga gamit mula sa bag na nakakalat sa sahig. Iniisa-isa niya ang mga files sa flashdrive stick na iniwan ni Detective Brian para sa kanya. Kung pagtatagni-tagniin ang mga pangyayari, ito ang posibleng kwento.

Nagsimula ang lahat sa alumni party. Pareho silang nakatanggap ng mga sulat na may kinalaman sa stalker. Stacey received:

HI, STACE. ALAM KONG ANG AKALA MO, WALANG NAGMAMAHAL SA IYO.

LAGI KA NAMAN KASI NAKAABANG SA MANHID NA IYON. AKALA MO BA, HINDI KO MALALAMAN?

AKALA MO BA, HINDI KITA NABABANTAYAN?

KONTING HINTAY NA LANG. MAPAPANSIN MO RIN AKO. BAKA SA ALUMNI PARTY, KASAMA MO NA AKO.

KAHIT MAKA-GRADUATE TAYO, MANANATILI AKONG ANINO MONG NAKABANTAY SA IYO.

Meanwhile, Renante received a letter that said:

I know who you love, and I won't let you be together.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now