Chapter Twenty-Eight - Aurora

6.2K 161 11
                                    

NANATILING NAKATAYO SI RENANTE SA GITNA NG SILID. Bahagyang nakapihit siya ng pagkakaharap sa dalagang nakaupo sa isa sa mga visitor's chair ng kanyang opisina. She placed a leg atop the other before placing her shoulder bag on her lap. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Isn't your office too dark?" ngiti nito. "So much black and greys all over."

Pinamulsa niya ang mga kamay. "What brings you here? We don't even have an appointment."

"Well, why let me in then?" nanghuhuli nitong ngisi sa kanya.

"Because I have an assumption that you're Aurelio Ejercito's daughter," he replied, dead-set eyes on the woman.

She grinned wider. "Oh, boy, you're good. Or maybe, your dad has already told you about me?"

"Yes. He told me about you," tuwid niya ng pagkakatayo. "But didn't he tell you I am not interested?"

"Yes, he did," she confidently replied. "So, I'm here to change your mind."

"Well," pasada niya ng tingin sa dalaga, "I'm not that kind of person who easily changes his mind."

"I never said you're easy," mahina nitong tawa. "Kaya nga ako na mismo ang gumawa ng paraan para mag-meet tayo." Tumayo na ito mula sa kinauupuan.

His eyes narrowed at her as she walked toward him. "And where do you want this to lead?"

"I don't want to ruin the surprise," she teasingly stroked the side of his arm, then gave him an underlook. "Come. Let's have lunch? Oh, boy, I'm famished."

Bago pa siya nakasagot, nilagpasan na siya ng babae.

Nilingon niya ito, pinanood ang pagtungo sa pinto palabas ng opisina. This Aurora sure seemed nice. Pagbibigyan na lang niya siguro ito ngayon.

.

.

HE'S NOT REPLYING, baba ni Stacey ng cellphone sa dashboard. Sumilip ulit siya sa unahan. Hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan.

Tapos na sila magkita ni Marty bago niya naalalang i-text si Renante kung saan sila nag-lunch. Nadaanan na rin niya 'yung sa car repair para ibigay ang forms, tutal madadaanan naman niya iyon bago ang kompanya niya.

Nagtampo kaya iyon? hawak niya sa manibela habang nag-aalala pa rin sa hindi pagsagot ni Renante sa text niya.

Nahihiya naman siyang tawagan ito. Baka kasi busy ang lalaki. Nagtext muna siya para ma-check iyon. Kung magrereply ito, tatawag dapat siya.

"Well..." she sighed and watched the cars move. Pinausad na rin niya ang sasakyan.

.

.

"WALA KA BANG PUPUNTAHAN?" lingon ni Renante kay Aurora. Nakasunod ito sa kanya papasok ng VVatch.

Sa main entrance siya pumasok para madaanan ang display ng mga relo sa built-in store nila. Gusto lang niyang i-check ang mga iyon bago bumalik sa sarili niyang opisina.

"Look, I'll leave when I got to, okay?" nakangiti nitong sagot sa kanya

Binalik niya sa harap ang tingin. May sasabihin pa sana siya pero umurong ang dila nang makita ang paglabas ni Piccollo mula sa store ng VVatch. Malaki ang pagkakabukan ng mga bibig nito sa saya nang makita siya. Sanay na si Renante sa pagiging extroverted nito.

Through Dangers UntoldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt