Chapter Forty-Two - Faith

5.4K 166 0
                                    

NAPALINGON SILA STACEY SA HUMAHANGOS NA SI MARY GRACE. Saglit lang iyon. Nang makitang kay Mary Grace lang pala galing ang nagmamadaling mga yabag, binalik nila ang atensyon sa ginagawa.

"Oh," patuloy ni Stacey sa pagpiprito ng galunggong, "malapit nang maluto 'to. Ano na ang next na gagawin?"

Nasa mesa sila Mary Ann at Mary Jane, katatapos lang maghiwa ng bawang, sibuyas at luya. Dahil sa sinabi ni Stacey, napalingon ang mga ito kay Mary Grace na parang hindi mapakali ang mga mata. She remained standing in that room, speechless, not knowing who to talk to.

"Hoy, Ate," pukaw ni Mary Jane dito, "ang tagal mo namang mamitas ng dahon sili. Akin na nga iyan!" lahad nito ng kamay.

Nauna namang tumayo si Mary Ann para bitbitin ang gatang nasa bowl at pinggan kung saan nakaipon ang iba pang isasahog. Lumapit ito kay Stacey at nilapag ang mga dala sa tabi ng kalan.

Hindi nakalakad si Mary Grace kaya napipilitang nilapitan ito ni Mary Jane.

"Ang O.A. ha," panunukso nito sabay kuha sa dala nitong mga dahon. "Anong nangyari sa'yo?"

"S-Si... Si Kapitana, dumaan dito kanina," humahangos nitong saad.

"Oh? Anong bago r'un, eh lagi naman sila nagroronda bago gumabi?"

"Kasama niya 'yung Renante!"

Napatingin sila rito.

"Eh?" pamimilog ng mga mata ni Mary Ann.

"Aba'y oo!"

"Hindi nga?" iwan agad ni Mary Jane sa dahon ng sili sa pinggan na malapit sa kalan bago nagmamadali ang tatlo na lumabas ng bahay.

"Hoy! Saan kayo pupunta?" pahabol na tawag ni Stacey sa mga ito. Susunod n asana siya kaya lang nasa kalagitnaan na siya ng pagluluto. She eyed on the ingredients in front of her one by one.

Alin sa mga ito ang susunod kong ilalagay?

"Wala na pala!" maktol ni Mary Jane sa kapatid nang mabilis na bumalik ang mga ito sa kusina.

"Hindi niyo naman tinanong eh, kung nandiyan pa!" dahilan ni Mary Grace.

Stacey just turned to Mary Jane. Nagmamadaling nagsalang na ito ng kaldero at doon nito binuhos ang gata bago sinundan ng iba pang mga sangkap. She watched so that she can learn from what she was doing.

Siyang ahon niya sa mga piniritong galunggong at pinatay ang kalan na ginagamit niya.

Iniwanan muna niya si Mary Jane para lapitan si Mary Grace na nakaupo na sa mesa. Abala naman sa pag-aayos ng mesa si Mary Ann.

"Sigurado ka bang siya ang nakita mo?" nilihim niya ang pag-aalala habang tinatanong si Mary Grace.

"Oo. Hala ka, baka alam na nandito ka at hinahanap ka."

Naguguluhang napatitig siya rito. Mary Grace stared back. Tila nag-buffer bago kinikilig napabulalas.

"Ayieee! Hinahanap siya ng Renante niya!"

"Excuse me!" iwas niya ng tingin dito. "I'm sure it's not that. Wala siyang kaide-ideya na dito ako pumunta, no."

Nanunukso ang tingin ni Mary Grace na pumalumbaba para titigan siya. Nanghuhuli ang tingin nito.

"Weh, talaga? Wala kang iniwang clue? As in?"

"Wala, okay?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Baka naman, pinaglololoko mo lang ako ha!?" kurot niya sa tagiliran nito.

Through Dangers UntoldOnde histórias criam vida. Descubra agora