Chapter Forty-Four - Like Matured Adults

5.8K 174 31
                                    

HINDI MAGKANDA-UGAGA SI STACEY HABANG UMAANDAR ANG TRICYCLE. May bitbit siyang maliit na backpack. She stuffed the bag with a thermal tumbler filled with cold water, a face towel and a fan that she borrowed from Mary Jane. Nagmamadaling nagbayad siya sa tricycle driver nang ibaba sa arko ng barangay kung saan matatagpuan ang entrance paakyat sa bundok ng Kalbaryo.

Stacey felt so certain that Renante was still there. Hindi ito basta-basta makakaalis doon kung sineryoso nga nito ang pag-akyat sa bundok para puntahan siya.

At base sa kung gaano kaseryoso at delikado ang sitwasyon nila, talagang aakyatin ni Renante ang bundok na iyon. Kahit malagay pa sa alanganin ang kalusugan nito.

It was way back in college, during that one community sevice. Nag-volunteer kasi sila noon sa isang cleaning drive nang atakehin ng hika si Renante. Nagtulungan sila ni Kylie sa pag-asista sa binata para dalhin sa medic. That's when she discovered that he has this non-allergic asthma.

Ayon sa binata, inaatake ito ng hika kapag nabibilad sa init o naiinitan. Kapag mas mainit daw kaysa sa body temperature nito ang klima, naninikip na raw ang daluyan ng hangin sa katawan nito. Doon na nagsisimulang umubo ang lalaki.

Sa scenario na ito, siguradong matinding init ang sasalubong kay Renante sa kabundukang iyon. Bukod sa dry season, malapit nang mag-alas onse ng umaga.

She hurriedly climbed the stairs. No matter how fit and capable she was, it didn't take long for Stacey to grow weary. Dama niya ang pamimintig ng mga muscle sa sobrang tarik ng sementadong hagdan kaya wala na siyang ibang choice kundi ang dahan-dahanin ang pag-akyat. Tiyak niyang ganito rin ang naramdaman ni Renante. Naniniwala siyang maaabutan pa niya ito kung bumagal ang pacing ng pag-akyat sa bundok tulad niya.

Clutching the straps of her bag, Stacey resumed. Nababakuran siya ng railing ng hagdan na bahagyang nababakbak na ang puting pintura. Sa una lang may lilim dahil habang pataas siya ng pataas, napapalitan ang mga bahay-bahay ng mga puno at kawayan. Sumisilip sa pagitan ng mga ito ang mainit na sikat ng araw.

She halted upon seeing Renante sitting on one of the stairs. Kita niyang nagsusumiksik ang lalaki sa tabi ng railing, kung saan nababagsakan ito ng anino ng isa sa mga puno roon.

Her steps slowed down, knees shaking as her eyes remained on Renante.

This is too much, Renante... Hindi mo man lang ba iniisip ang safety mo? It should be easy for you to choose your safety. You've been doing that all your life, right?

Hindi siya nito tinapunan ng tingin kaya lalo siyang kinabahan. Nanatili itong nakaupo doon ng tuwid. Nang makalapit, doon lang niya narinig ang malalalim nitong paghinga.

"Nasaan ang inhaler mo?" tabi niya rito at hinagod ang likod nito.

His breathing was thinning. "I... I forgot... to bring it."

"Why?" halos nanenermon na ang tinig niya rito.

Renante struggled and swallowed a breath. Nagmamadaling kinandong ni Stacey ang bag para kunin ang pamaypay.

"I am... I am managing my asthma well for years... Stace... why would I... why would I need to always bring... inhaler..." he stopped and released a wheezing cough.

"My God, Renante! Kahit na! And stop talking!" paypay niya rito, umaasang makakatulong iyon para makahinga ito ng maluwag-luwag. He shouldn't be talking if he was having a hard time breathing, for Pete's sake! Pero dahil sa papainit na panahon, parang mas nagbubuga pa ng mainit na hangin ang pamaypay niya. She pulled out a bottle of water.

Through Dangers UntoldKde žijí příběhy. Začni objevovat