Chapter Fifty-Four - Gin

5.4K 169 21
                                    

NAPABUNTONG-HININGA NA LANG SI RENANTE. Kakahingi ng dispensa sa mga nababangga ni Stacey, heto at naging tagapunas pa siya ng natilamsikang suit ng isa sa mga guest doon. He just pulled out the handkerchief peeking on his blazer's chest pocket, dabbed it on the wet part of the clothing and immediately left.

Hindi man lang ako hinintay ng babaeng iyon, he thought helplessly, incapable of getting mad at Stacey. I should be there when she talks to Ronnie.

Nagpatuloy siya sa paghahanap sa dalaga pero hindi niya ito mahagilap. Nang mapagod at halos mahilo kakapabalik-balik, sumandal siya sa pader. Pumuwesto siya malapit sa pinto.

Habang naghihintay, medyo nag-alala siya. Nagkita na kaya ang dalawa? Ano na kaya ang pinag-uusapan ng mga ito? Sigurado siyang itatanong ni Stacey kay Ronnie kung ano ang mga pinag-usapan nila ni Brian, kung ano ang kinalaman nito sa pinoproblema nila ngayon at kung bakit nakikialam ito.

Nasuklay niya paitaas ang buhok.

I hope Ronnie would shut his mouth about some things. Things not necessary to tell Stacey about. Renante let out a groan. Kung bakit ba naman kasi nawala siya sa paningin ko...

At doon na nagsimula ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari noon.

When Stacey told her about the stalker, Renante just shrugged it off. Sinabi niyang hindi siya naniniwala. Inasar pa niya ang dalaga ng, "Ikaw? May stalker? Sino naman mangi-stalk sa iyo eh nananapak ka? Irap mo pa lang, nambubugbog na, eh!"

"Seryoso ako!" mariin nitong bulong habang panay ang nakaw ng sulyap sa paligid. Takot ang dalaga na may ibang makarinig sa pinag-uusapan nila

Pero hindi siya nilubayan niyon nung nakauwi na siya ng bahay. He managed to convince Ronnie to help him discover who Stacey's stalker was. Ayon sa kanyang kapatid, wala na raw siyang kailangang gawin pa. Just to act normal and trust that the hired detective will do his job.

Hanggang sa pinatawag siya ng kapatid sa kwarto nito. Nasa kandungan ni Renante ang magkakapatong na mga litrato.

"Buti at tayo lang ang nakaalam nito!" sermon sa kanya ni Ronnie. "Buti at hindi mga kaibigan niya ang nakaisip na tumulong sa kanya, Renante!" Napabuntong-hininga pa ito. His brother could be dramatic sometimes. Wala lang naman itong emosyon o reaksyon kapag nasa labas na ng bahay nila."Paano na lang kung hindi tayo ang nakadiskubre nito? Baka siya pa ang ikulong ng mga pulis!"

Malungkot na nakatitig lang siya sa hawak pang litrato. He saw Stacey look around while putting a letter with a plastic rose in her bag. Pinakita iyon ng dalaga sa kanya nung nangulit na naman ito na tulungan niya. It was about weeks after Ronnie had a detective monitoring Stacey.

"Who is this girl for you, Renante? Yung totoo?"

"Sonny's friend--"

Hindi pinakinggan ng kanyang kapatid ang kanyang sagot. Nagtuloy-tuloy ito ng litanya, "Kung gusto mong magbago siya at mapabuti siya, don't entertain her bullshits. Iwasan mo ang pagpapapansin ng babaeng iyan sa iyo. We'll spare her this time, but if she dare to keep up with this shit..." he warned and trailed off. Senyales iyon ng paggamit ni Ronnie ng preno. Aware kasi ito kapag sumosobra na.

"What if... what if sa photo na ito, hindi niya ito nilalagay sa bag niya?" tanggol ng nanghihina niyang boses sa dalaga. "What if, kinukuha niya ito palabas ng bag niya?"

Napika na ang kanyang kapatid.

"My God, Renante. We hired the best detective in that agency! And you doubt evidences?"

Through Dangers UntoldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ