Chapter Thirty-Five - This Is Not Only For Me

6K 182 17
                                    

"SHE'S PROBABLY BACK HOME," sara nito ng libro at nilapag sa kandungan nito. "But the thing is, she brought you back here. You, your car and all your stuff."

He had no time to lose. Renante was about to leave but stopped before turning his back on his father. Napansin din iyon ng ama kaya natigilan sa pagbuklat muli ng binabasa nitong aklat.

"Para linawin ko sa iyo," tuluyan niyang harap muli sa ama, " what I am doing is not rebelling. Gusto ko lang umalis sa isang bahay na puno ng mga taong nagdi-discourage sa aking gawin ang mga bagay na gusto kong gawin. Mga taong tulad mo na imbes tulungan ako, hinahatak pa ako pababa. For what? For me to stay dependent on you?"

At hindi na niya hinintay pa ang isasagot ng ama. Tumalikod na siya agad at iniwanan ito.

.

.

"OH, FINALLY, YOU'RE AWAKE!" masiglang wika ni Sondra.

Nakatayo ito sa tabi ng kinauupuan ng anak na si Sandy. She was beaming with hopeful eyes as she carefully lifted her daughter and put her down on the floor. Natawa ang babae dahil inunahan pa ito ng anak sa paglapit kay Piccollo.

Piccollo weakly smiled. Dahan-dahan itong kumilos para makaupo, dahilan ng pagmamadali ng mga hakban ni Sondra.

"Hey, we can recline this bed," maingat na balik nito kay Piccollo sa pagkakahiga.

Muling gumuhit ang ngiti sa mga labi nito dahil sa pag-aasikaso ng pinsan. Yumuko si Sondra at hinanap sa gilid ng kama ang buton para itaas ang recliner ng kama. When Piccollo was finally in a half-sit position, he glanced at the table.

"Flowers," matamlay ang boses nito, taliwas sa kislap ng mga mata.

"Ah, yes," ikot ni Sondra sa kama para lapitan ang mga bulaklak. Siyang sampa naman ng anak nito sa kama kaya pinanlakihan ng mga mata. "Sandy, don't climb there! Baka magalaw mo ang dextrose ni Tito Picco mo!"

Nakuha pa ng batang babae magpacute habang binababa ang sinampang paa sa kama.

"And you're wearing shoes oh," iling niya sakay pinihit ang basket ng bulaklak paharap kay Piccollo. Hinarap ni Sondra ang parte niyon kung saan nakasilip ang maliit na white envelope at ang ring ng keychain na nilagay ni Stacey. "Dumaan daw kagabi dito sila Stacey. And they left these flowers. Nasa mini fridge dito 'yung fruits na dala nila. Nilagay ko doon para fresh pa rin kapag kinain mo."

Mas nakitaan si Piccollo ng pagkabuhay ng loob. "Oh, isn't she sweet, Sonny?"

Napangiti ito. "Yes, she is."

"What happened, Sonny?" kuha nito sa basket nung envelope. "The doctor just asked me questions, about what I ate last night and, kung kamusta na ako. But they never told me what happened to me yet." His eyes searched in Sondra's.

Hindi malaman ng babae ang gagawin. Natatakot ito sa kung ano ang pwedeng isipin ni Piccollo kapag sinabi niyang sa chocolate cake ito nalason. She baked that cake and had no bad intentions for giving it to Piccollo. Maximillian has assured her last night that they would find out the root of all this.

Pero sa ngayon, paano nito ipapaliwanag ito kay Piccollo?

"I vomited a hell lot. Is that nausea? Am I already pregnant?" nakuha pa nitong magbiro, napansin yata ang pag-aalinlangan ni Sondra.

"Look, Picco," upo ni Sondra sa gilid ng kama, siyang yakap naman ni Sandy sa bewang ng ina bago pinatong ang mga braso sa kandungan nito, "inalam ng mga doktor kung ano ang mga kinain mo kagabi kasi, nalason ka raw."

Through Dangers UntoldOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz