Chapter Fifty - Arguing Again

5.3K 166 3
                                    

"KADALASAN SA MGA STALKER," wika ni Detective Orlando, "hindi makaintindi na stalking na ang ginagawa nila. Kaya ngayong hindi tumalab sa kanya ang paglalayo ninyong dalawa o pagtatago mula sa kanya, harap-harapan niyo na siyang lalabanan ngayon."

"Paano?" salubong ng mga kilay ni Stacey. "Eh wala nga kaming idea kung sino itong stalker na ito."

"Pero may mga suspects na tayo, hindi ba?" matamang titig ng lalaki sa kanya bago nilipat ang tingin kay Renante.

Kakalapit lang ng binata sa kanila. Nilapag nito ang dalawang mug ng tinimplang kape para sa kanila ng detective. Kinontento na lang nito ang sarili sa isang baso ng tubig. Renante returned to his seat.

"And what about our suspects?" usisa ni Renante sa detective.

"Kailangan niyong mapalapit sa mga suspects. Mas madali niyo silang maoobserbahan sa ganoong paraan."

"Isn't that your job?" Stacey questioned.

Magaang natawa ang detective. "Yes, it is, Ma'am. Pero magiging kahina-hinala kung lalapitan ko sila para makausap ko at diretsahang tanungin tungkol sa kaso mo. At mas kokonsumo sa panahon kung maga-undercover ako. Undercover para maka-close ko sila at pagkatiwalaan nila ako na aabot sa puntong madidiskubre ko kung sino sa kanila ang stalker mo."

"Well," Renante chimed in, "if that's the case then, Stacey and I will talk about it."

"Basta kailangan niyong manatili sa paligid ng mga suspect, para mas madali ko silang mamonitor."

"Thank you," alok ni Renante ng pakikipagkamay na malugod namang tinanggap ng detective.

Habang hinahatid ni Renante sa gate ang umalis na detective, kumilos na si Stacey para magluto ng almusal nila. Upon checking the wall clock in the kitchen, she was relieved. Mayroon pa siyang limang oras para maghanda sa pagpasok sa opisina.

Hindi siya huminto sa pagluluto nang marinig ang pagdating ni Renante sa kusina.

"Tulungan na kita," tabi ng binata sa kanya.

"Wash your hands then. Malinis dapat ang kamay kapag hahawak ng lulutuing pagkain."

Maluwag ang ngiti ng binata sa kanya. She could see it in her peripheral vision.

Naghugas na ito ng kamay sa lababo bago lumapit sa kanya. Pinanood nito ang ginagawa niyang pagpe-prepera sa breading.

"Ano ang gusto mong lutuin?" lipat ng mga mata nito sa kanya.

"Nakita mo naman siguro 'yung tino-thaw kong mga manok sa bowl," seryoso niyang saad, nasa pagkuha ng tamang timpla ang malaking porsyento ng kanyang atensyon. "Pakicheck kung hindi na naninigas sa lamig. Tapos hugasan mo."

"Yes, Ma'am," masigla nitong wika at sinunod ang utos niya.

Medyo natahimik si Renante kaya tinanaw niya ang binata. Inalis nito sa bowl ang bag ng manok. Tinapon nito ang tubig sa bowl. Inabot ng binata ang thermos at binuhusan ang bowl ng mainit na tubig.

Stacey suppressed a smile as she watched him focused with what he was doing.

"Kapag nahugasan mo na ang mga manok," lapit niya sa binata para ilapag sa malapit na counter ang hinanda niyang breading mix, "lagyan mo ng breading. Huwag masyadong makapal at huwag masyadong manipis."

Nilingon siya nito. "Got it."

Siyang sipat ni Stacey sa kaning sinasaing. Usok ang sumalubong sa kanya bago nakitang matubig pa iyon. She sprinkled a pinch of salt and pepper in it. Hinalo at tinakpan ulit. Samantala, nilapag naman ni Renante ang isang bowl ng breading mix na inabot niya sa lamesa. Naghanda rin ito ng malapad na pinggan. Kinalat doon ng binata ang breading para doon pagugulungin mamaya ang mga manok.

Through Dangers UntoldWhere stories live. Discover now