Sinabunutan niya akong muli.

"Dapat hindi na lang kita naging asawa!" doon na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Mas masakit pa ata yung sinabi niya kaysa sa sampal niya.

Muli niya akong sinabunutan.

"Ayoko na" medyo pabulong na sabi ko.

"Wala kang kwenta!" sigaw na naman niya.

"Ayoko na" bulong ko ulit.

"Dapat hindi na lang kita minahal dati!" muling sabi niya habang nakasabunot sa buhok ko.

"AYOKO NA!" sumigaw na ako. Sumabog na yung galit ko.

"AYOKO NA! TAMA NA! PAGOD NA AKO!" sunod-sunod na sabi ko. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa buhok ko.

Mataimtim siyang tumitig sa akin.

Pinilit kong patigilin ang nagbabadya kong mga luha.

"T-tama na" parang may nakabara sa aking lalamunan, at nag iinit din ito.

Nagsalita muli ako, lahat ng hinanakit ko ay nilabas ko na.

"Nasaan na yung mga pangako mo sa harap ng Panginoon at sa akin. Sabi mo mamahalin mo ako? Pero ano ito? Hinihiling mo na dapat hindi mo na lang ako minahal. Sabi mo Aalagaan mo ako, pero ginawa mo akong katulong mo imbis na asawa mo. Sabi mo hindi mo ako sasaktan pero ang sakit-sakit na, physically, emotionally, LAHAT! Alam mo ba? Lahat ng mga kaibigan at naging classmate ko ngayon ay naging successful na! Pero ako? Ito nagkakandarapa pa rin sayo pati sa putanginang buhay na 'to!"

Hindi ko na nakayanan at napaupo ako. Humagulgol ako sa harap niya.

Banayad kong pinahid ang mga luhang hindi tumitigil sa pagtulo.

"Ayoko na. Tapusin na natin ito." tumayo ako sa aking pagkakaupo at pumunta sa kwarto naming maliit.

Tumitingin lang siya sa lahat ng kilos ko.

Kinuha ko lahat ng damit ko at mga gamit ko. Mabuti na sigurong maghiwalay na lang kami.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko si Kian na nakatayo pa rin sa kanyang pwesto.

"Lalayas na ako sa bahay na ito, pati na rin sa buhay mo" simpleng sagot ko at muli ko na namang pinahid ang luha sa pisngi ko.

Hindi pa rin siya nagsalita.

Nasa pintuan na ako at handa ng lumabas pero huminto ako at nagsalita kahit nakatalikod.

"Ahh! Your Promises are sucks! Promises are really meant to be broken, and that's indeed. By the way Happy aniversary sa kasal natin" huling sabi ko.

Paalis na sana ko ng bigla siyang nagsalita.

"Sandali" napalingon ako sa kanya.

Napatingin ako sa papel na nakatuping binigay niya.

"What's this?" tanong ko.

"Letter" mabilis niyang sagot.

"Hindi mo na ako maibabalik sayo ng dahil sa sulat mo" walang tonong sabi ko.

"I know, kunin mo 'yan. Basahin mo na lang pag okay ka na" sinuksok ko sa bag ko ang papel na binigay niya.

"Okay."

"Sorry" napatingin ako sa kanya. This time alam kong sincere ang pagkakasabi niya, pero nakapagdesisyon na ako.

"Okay."

Pagkatapos no'n ay hinayaan na niya akong umalis.

--

Ilang taon na ang nakakaraan simula nang iwan ko si Kian. Nabalitaan ko na lang na namatay daw siya, sabi ng iba namatay daw sa gutom, kakalasing at kakatrabaho.

I don't know, pero may konting kirot sa puso ko ng malaman 'yon.

Maayos na ang buhay ko ngayon. May maganda at stable na trabaho. May magandang bahay, at kahit mag-isa lang sa buhay naging masaya naman ako.

Napatingin ako sa cabinet ko. Naalala ko ang binigay na letter ni Kian noong huli kaming nagkita.

Siguro kaya ko na siyang basahin ngayon. Kinuha ko ang papel at binukan 'yon.

Binasa ko kung ano ang laman no'n. Maikli lang ang nakasulat pero halos mapunit ang puso ko.

"Para sa pinakamamahal kong Asawa,

Patawad dahil nagkamali ako, alam ko 'yon. Patawad din dahil kailangan na naman kitang saktan para lumayo ka na sa akin. Hindi ka makakabuti sa isang katulad kong patapon na ang buhay. Patawad dahil hindi ko natupad ang mga pangako ko sayo, pero huwag kang mag-aalala gagawa ako ng paraan para hindi ka na masaktan. Pinalayo kita dahil baka saktan ka nila dahil sa utang natin, huwag kang mag-alala babayaran ko lahat ng 'yon ng hindi ka nila masasaktan. Nga pala, Happy Anniversary sakasal natin. Mahal na mahal kita at huwag mo iyong kakalimutan.

Ang iyong Asawa"

Napahawak ako sa aking dibdib ng mabasa ko ang nakasulat.

Kaya pala namatay siya, nagutom at nagsubsob sa trabaho para mabayaran lahat ng utang namin.

Wala akong kwentang Asawa. Kahit ako ay hindi tinupad ang pangakong sinabi ko sa kanya, na sa hirap at ginhawa ay kasangga namin ang isa't-isa.

Yes, he broke his promises.

Sinaktan niya ako para hindi na ako mas lalong masaktan.

Hindi niya man natupad lahat ng pangako niya sa akin, but he try all his best just to fulfill his promises to me.

Hindi lang naman puro saya ang isang relasyon, walang perpektong relasyon, at 'yon ang hindi ko nakita. Sumuko kaagad ako sa kanya, sumuko kaagad ako sa aming dalawa.

And yes, promises are really meant to be broken dahil ako mismo ay binali ang mga pangakong sinambit ko sa kanya.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now