"You're beautiful" I just rolled my eyes at him, pero alam kong namumula ang pisngi ko, mabuti na lang at Dim ang ilaw sa gym at hindi niya makikita na nahihiya ako.

Pumunta muna ako sa mga kaibigan ko, at gano'n din siya.

Nakita ko na maraming babae ang lumapit kay Luis para sayawin siya. Hindi naman ako insecure pero ngayon nakaramdam ako ng inggit, magaganda yung lumalapit sa kanya.

Pero nagulat ako dahil tinanggihan niya ang lahat. Lumapit siya sa akin at hiningi ang kamay ko para maisayaw.

Nagsigawan ang lahat ng kaibigan and classmates ko dahil sa ginawa niya.

I smiled at tinanggap ang alok niya. Wala kaming ibang sinayaw kundi ang isa't-isa lamang.

I smiled. Napahawak na lang ako sa aking puso, ang bilis ng tibok no'n.

--
Nagsasabi na siya sa akin ng I love you, kahit hindi pa kami.

At isang araw ay nanalo sila sa isang dance competition so I congratulate him.

"Congrats!" masaya kong bati sa kanya, pero nakita ko siyang sumimangot, napakunot ang noo ko.

"Okay" 'yon lang ang sinabi niya. I smiled, kilala ko itong lalaki na 'to.

"Babe!" then tumakbo ako ng mabilis pagkatapos kong sabihin 'yon, nakita ko pa ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Hindi ako nabigo.

"Hoy Arianne! Panagutan mo ako!" sigaw niya pero nilabas ko lang ang dila ko para asarin siya.

"Bleh!"

--

Hindi pa rin kami, at inaamin ko na M.U na kami.

Tuwing sabado ay tumatakas ako para makipagkita sa kanya, and tuwing sunday naman ay magsisimba kami pero kasama pa rin yung mga kaibigan namin.

Sa chat ay nakapag I love you na ako sa kanya. At sobrang saya naman niya.

I have plans. Mga plano para sa aming dalawa, kung paano tatakas sa bahay para makipagkita sa kanya.

Hindi ko pa ito naiisip kasi natatakot ako, this is my first time- ayaw ko pang makipag commit sa kanya. Pero pinagpaplanuhan ko na rin kung paano ko siya sasagutin or maipapakilala sa pamilya ko, especially sa mga magulang ko. Gusto ko kasi na siya na talaga kapag sasagutin ko siya.

Nag-aaway man kami pero nasusolusyunan naman agad, sobrang mature niya kasi mag-isip na nagustuhan ko din sa kanya.

--

Pero dumating yung araw na kinakatakutan ko.

Umaga noon ay tinanong niya pa ako through chat, kung kumain na ako at nakauwi na ba sa bahay. Nagreply naman kaagad ako sa kanya. Sweet pa kami no'n.

And dumating na ang gabi, ang dami kong chat sa kanya pero kahit seen man lang ay hindi niya nagawa. I even say sorry at him, kahit wala naman akong ginagawa.

Inisip ko kung may pinag-awayan ba kami pero wala naman akong maisip. Tinadtad ko siya ng messages pero natapos ang araw na 'yon ay wala akong natanggap na reply.

Kinabukasan ay pumasok ako sa school, malapit na rin mag summer at lilipat na siya ng school next school year pero may plano na rin kami doon kung paano kami magkikita.

Pero nakita ko yung panlalamig niya- iniiwasan na niya ako. Hindi ko alam gagawin ko, hindi rin ako lumapit sa kanya.

Tinanong ko ang mga kaibigan niya kung ano ang nangyari, pero hindi din nila alam. Masekreto daw si Luis.

Bumagsak ang magkabilang braso ko. Ngayon ko napagtanto- hindi ko pa siya paa gaanong kakilala, at ang pinakita niya lang noong magkasama kami ay ang good side niya. Never niyang pinakita sa akin yung bad side niya, and halata naman na kahit madaldal siya ay limitado ang mga sinasabi niya.

At ang pinakamasakit na nakita ko ay may kasama siyang ibang babae.

I smiled bitterly.

Pagkauwi ko galing sa bahay ay agad kong pinuntahan si Rose and Jamaica na kaibigan ko.

Tinignan ko kasi ang mga messages ko sa kanya pero hindi niya pa rin pala nasi-seen.

"Be" nang makita ko ang dalawa kong kaibigan ay agad tumulo ang luha ko.

"Ano nangyari?" tanong ni Jamaica.

"Ba't ka umiiyak?" tanong naman ni Rose.

"Wala na" naikwento ko na kasi sa kanila ang panlalamig ni Luis sa akin.

"Ayan kasi! Sabi ko naman sayo mag-iingat ka, sabi ko naman sayo huwag kang umasa diyan e!" sigaw ni Rose.

"Bobo mo kasi Be!" sabi naman ni Jamaica.

I laughed. Kaibigan ko ba itong mga 'to? Imbis na i-comfort ako nireal talk pa ako. Pero masaya ako dahil nandiyan sila para sa akin.

"Nabaliw na, umiiyak tapos tumatawa" sabi ni Rose na nakangiti pero alam kong nasasaktan siya para sa akin.

Muli na naman akong napiyak. Ganito pala 'no? Naiintindihan ko na ang iba, masakit pala talaga.

"Ang sakit haha" nasabi ko na lang pagkatapos ko makwento sa kanila ang lahat.

"Tara kain na lang tayo" sabi ni Jamaica, kaya napangiti na lang ako.

--

Ilang araw na ang nakalipas at naging cold na kami ni Luis sa isa't-isa.

Lahat ay napansin 'yon. Nagalit ang mga kaibigan ko sa school sa ginawa ni Luis sa akin, saksi din kasi sila sa nangyari sa amin.

Marami akong tanong. Gusto ko siyang tanungin pero nanaig ang pride ko.

Gusto ko siyang tanungin ng 'bakit?', 'may nagawa ba akong masama?'

Sobrang daming tanong na halos sasabog na ang utak ko, dahil wala akong makuhang sagot.

Sobrang sakit dahil first time itong nangyari sa akin.

Ang hirap pag walang label ang relation niyo kasi wala kang karapatan para magalit sa kanya.

Kung dati ay pinagtatawanan ko lang ang iba kong kaibigan kapag nasasaktan sila sa mga taong mahal nila, pero ngayon alam ko na ang pakiramdam. Sobrang sakit.

Galit ako kay Luis pero pinatawad ko na siya. Siguro may kasalanan din ako, hindi ko man lang pinaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya- natatakot kasi ako na baka mareject ako. Pero mas maganda na siguro ang ganito, hindi pa naman ako sobrang hulog na hulog sa kanya- maagapan ko pa ito. At sa lahat ng nangyari sa akin ay may natutunan ako.

At lahat ng tanong ko ay magiging tanong na lang talaga na walang nakuhang sagot.

Mag m-move on na ako kahit na walang naging kami.

--

As of now ay summer na namin at sa dinami-daming oras at araw ay nakasalubong ko pa siya. Pero hindi ko siya pinansin at gano'n din siya.

Nakamove on na ako sa kanya, nanghihinayang na lang talaga ako sa memories na nagawa namin.

Nalaman ko na rin na may ka-M.U siya.

Sabi naman ng mga kaibigan ko at kaibigan niya. Parang nag iba daw si Luis, parang nawala daw yung kislap sa mata niya simula nung mag-iwasan kami. I don't care anymore, mabuti pa nga 'yon.

Kahit anong reason pa ang sabihin niya sa akin, hindi na ako babalik sa kanya, dahil kahit saang anggulo tignan mali pa rin siya.

And kung sasabihin niya man ang reason- hindi ko na 'yon papakinggan.

Over acting man tignan, but this is my first time so it hurts. And i've learned a lesson because of him. Thanks to him.

--

P.s Totoo itong kwento na ito, request ng kaibigan ko na si Arianne. At totoo lahat ng names na ginamit ko- kasama na ako doon. Kahit ako ay naiinis sa lalaki, dahil isa rin ako sa saksi kung paano naging masaya ang kaibigan ko at kung paano siyang nasaktan ng dahil sa kanya.

P.p.s may iba diyang scenario na medyo naiba hahaha

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now