Ramdam kong napatuwid ito ng upo dahil sa sinabi ko.

"Sweetheart look at me."
Sinunod ko naman ang utos niya.

Nang tumama ang mga mata ko sa kanya, gustong kong bawiin ang mga inusal ko. Kita ang sakit na nakarehistro sa mga mata nito pero agad din napalitan ng determinasyon.
"No. Hindi pupwede. Kahit anong mangyari sasabihin natin sa kanila. I already told you, I don't care whether they will approve us or not. Please don't take what makes me happy, sweetheart. And that is making me happy-to tell them that you're mine." Ani nito at saka hinaplos ko pisngi ko. Napapikit ako at dinama ang kanyang haplos.






Nakailang buntong hininga ako sa loob ng kotse ni Clark. Malapit na kami sa bahay nila. Sa gabing ito namin sasabihin sa mga magulang niya ang relasyon namin. Kahit ilang beses niyang sabihin na walang pakialam sa magiging desisyon ng kanyang mga magulang ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan at mangamba. Mga magulang niya ito, pamilya.

"Relax sweetheart, nandito lang ako sa tabi mo." Pampakalma nito sa akin nang makarating kami sa labas ng malaki nilang gate. At hinalikan ang naka hawak kong kamay sa kanya.
Ngumiti lamang ako sa kanya.
Bumisina siya at agad naman na may lumapit sa gate para pagbuksan kami.
Pinagbuksan ako ni Clark nang makalabas ito sa driver seat pagkatapos ipark ang kotse sa tapat ng mansyon nila.

Hindi matanggal tanggal ang kaba sa akin dibdib habang hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. May sumalubong sa amin na nakauniporme at binati kami.

"Good evening po sir, doon na daw kayo dumiretso sa dinning table sabi ni sir." Imporma niya sa amin.

"Thank you Myrna."

Papunta na kami sa sinasabing dinning table nang may tumawag sa pangalan ni Clark.
"Clark...hijo."

Sopistikadang pumanaog ng hagdan si Ma'am Alicia.
Ang atensyon nito ay nakatutok sa kanyang anak.

Sa nakalipas na mga taon, hindi pa rin nagbabago ang itsura nito. Maganda at elegante pa rin.

Humalik ito kay Clark nang makarating sa harap namin.
"Good evening ma." Bati ni Clark sa kanyang ina.
Ngumiti lamang ang kanyang sagot sa kanyang anak at bumaling sa akin.
"Good evening po." Kinakabahang kong bati sa kanya. Umabante ako para bigyan sya ng beso pero agad din nitong inatras ang ulo para iwasan ako. Napayuko ako dahil dun.
Naramdaman kong hinaplos ni Clark ang balikat ko para pagaanin ang loob ko.

"Let's go, sweetheart." Bulong ni Clark. Naunang naglakad sa amin si Ma'am Alicia papunta sa table.

Nang makarating kami sa dinning table biglang naalala ko ang ganitong eksena ilang taon na ang nakakaraan. Ganitong eksena at ganitong dahilan.

May mga nakahandang pagkain na sa lamesa.
Nandoon na rin ang ama ni Clark at tumabi doon si ma'am Alicia.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon