I smiled and nodded at Clark.

After we ate, we drove back para ihatid ako ni Clark. Napangiti nalang ako sa katabi ko. Clark was being Clark. Being sweet and cheesy. He was holding my hand, intertwined our fingers while his left hand was holding the steering wheel.

"I want to spend the whole night with you but I have an early meeting with boards tomorrow. Pero don't worry babawi ako this weekend. "

" I understand, I know you are a busy person. Okay na sa akin ang nakasama kang kumain."Sagot ko sa kanya.

"Pero hindi okay sa'kin. Gusto ko pang makasama ka nang matagal. Gusto ko katabi at kasama kita oras-oras." Ramdam kong namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya.

" You're really cute when you blush. I like it. " Mas lalong namang uminit ang mga pisngi dahil sa sa pinagsasabi nito.

"Tama na nga! Mas lalo akong namumula sa mga sinasabi mo." Sabi kong kilig na kilig.

"And that's what I like it. Coz that's the evidence of my effects on you." He said with the wink. Mahilig pa rin itong manukso.

Hindi na rin nagtagal ay nasa tapat na kami ng aming bahay. Pero bago ako makababa ng sasakyan ay hinila niya ako at hinalikan sa labi. His kisses were intense but with care. I responded in his kisses and he deepened it. The kiss lasted a minute or two before he pulled out. Pinagdikit niya ang aming nuo habang hinahabol ang aming mga hininga.

" I love you sweetheart... so much." Sabi niya habang nakatitig sa akin habang habang hinihingal.

Napangiti ako dahil makailang beses na nitong sinabi na mga salitang binitawan niya. " Mahal din kita. Mahal na mahal."

"Baba na ako para makauwi at makapagpahinga ka na." Saad ko at tumango lamang ang kausap ko.

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ay hinila niya naman ako at hinalikan uli. Kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti sa gitna ng halikan namin.

"Sorry sweetheart, I just cant get enough of you. I need this to make me sane through the night."

Muli ko siya dinapian ng halik sa labi at tinapik ang mukha niya. "Baba na ako?" At kung kanina ay tumango ito, ngayon naman ay umiling ito. Kaya naman ay tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Ayaw mong bumaba ako?" Tango naman ang sagot nito.

"At bakit?"

"Gusto pa kitang makasama eh" Sagot nito. Para itong bata na nagpapalambing.

"Pero gabi na. At diba sabi mo maaga ka pa bukas?" Tango lamang uli ang sagot nito.

"E dapat pababain mo na ako para makapagpahinga ka na."

"Ayaw ko." Maiikling sagot nito. Hay naku, basta nagkakaganito ito, malamang gusto nitong magpalambing. Kaya naman inilapit ko sa kanya ang aking mukha at hinawakan ang naman ang sa kanya. "Ano ba ang gusto mo?" Tanong ko sa mababang boses.

"Ikaw. Ikaw lang naman ang gusto."

Napuno ng tuwa ang puso ko sa sinabi niya. "Halika ka nga rito." Saad ko at saka inayos ang aking posisyon sa pagkakaupo para magkaharap kami. Isinandig ko ang ulo niya sa dibdib ko.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon