59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)

Start from the beginning
                                    

Siguro balang araw sasabihin ko sa kanila ang buhay na kinagisnan ko noon.

Akihiro Yamada

Muling dumilim sa aking paligid, ganoon din unti-unting nawawala sa paningin ko si Nathaniel at tanging ang liwanag lamang ng kanyang karit na animoy waning crescent moon ang hitsura ang nakikita ko.

Pinapakiramdaman ko ang paligid ko dahil alam kong nasa illusion lang ako. Minuto lang ay nakaramdam ako sa itaas kaya agad kong isinangga ang aking espada sa kanyang karit pero bigla siyang nawala sa itaas. "Anong... Ah!!!" Gulat ako nang makita ko siya sa harapan ko at mabilis niyang iwinasiwas ang karit nito kaya agad akong umatras pero tinamaan pa rin nito ang mukha ko. Kitang-kita ko ang dugong kumawala sa aking pisngi. Kasabay ng pagbagsak ko sa malamig na lupa ang sakit ng nararamdaman ko sa aking pisngi na tinamaan nito. Masakit din ang sugat ko sa likod lalo na ng dumikit ito sa malamig at maruming sahig.

"Tsk. Nakakainis!" Ani nito.

Mabuti na lamang at daplis lang ang nangyari, kung hindi baka wala na akong mukha ngayon. Agad akong bumangon dahil muli na naman siyang susugod. "Ah!" Sinanggala ko ang aking espada. Nakita kong open ang ibaba niya kaya sinipa ko ang dalawa niyang paa. Nawalan siya ng balanse, pero umikot naman siya sa ere at muling sumugod kaya agad akong bumangon at umalis sa puwesto ko. Tinamaan nito ang sahig pero agad din akong sumugod bago pa siya makalingon sa akin. Sinipa ko siya kaya siya tumalsik ng bahagya. Agad kong kinuha ang isa sa twin sword ko at binato sa kanya. Hindi iyon tumama dahil pinansanggala niya ang karit.

Muli kong pinulot ang isa pang espada at sakto namang nakalapit na siya sa akin kaya parehas naming nadipensahan ang isat-isa.

Panay ang wasiwas naming dalawa sa aming sandata pero wala pa ring sumusuko at nakakalamang sa aming dalawa. Base sa kilos niya parang gusto na niya agad matapos ang laban dahil parang kanina pa siya nagmamadali.

Muli siyang lumayo sa akin at bubuwelo sana siyang muli para gawin ang illusion pero hindi ko siya papayagan.

Agad akong sumugod kaya medyo nataranta siya at muling dumipensa. Inatake ko siya sa itaas dahilan kung bakit mas open ang ibabang bahagi niya kaya agad ko siyang sinipa. "Arg." Daing nito.

Napayuko siya kaya agad kong tinuhod ang mukha niya. Napatumba siya sa sahig. Hindi ko na hinayaang makabawi siya kaya agad kong dinag-anan ang katawan niya at muli siyang sinuntok sa mukha. Naramdaman ko ang karit niya sa likuran ko kaya agad akong umalis sa katawan niya.

Mabilis siyang tumayo pero nagulat ako dahil hindi niya hawak ang karit niya. "Sa likod!" Sigaw ni Elyon.

Saktong paglingon ko. "Ah!" Namalayan ko na lang lumilipad na pala ang aking katawan, tumalsik na rin sa ibang bahagi ang aking dugo. Nahiwa nito ang aking dibdib hanggang sa aking tiyan.

kasabay ng pagsalo nito sa kanyang karit ang paglagapak ko sa sahig.

Saglit na namanhid ang aking katawan pero makalipas ang ilang minuto ay nagawa ko ring maramdaman ang hapdi ng panibagong sugat na natamo ko. Pinilit kong tumayo kahit parang ang bigat na ng pakiramdam ko.

"Ang tawag ko sa atakeng iyon ay waning boomerang."

"Kuya." Nagtataka ang itsura ni Ms. Dunstan.

"I don't know about that kind of attack or technique."

Napangisi si Nathaniel. "Bago ko lamang natutunan ang pamamaraang ito pero nakakatuwang mabilis ko lang natutunan ito."

"I'm impressed." Sabi ng kakambal ni Dick.

Asar! Ano nang gagawin ko? Wala pa naman akong kahit anong kakayahan hindi katulad sa kanila.

Muli na naman nitong gagamitin ang moon shadow niya kaya umatake na ako pero napahinto ako dahil hindi ako umabot. Ang bagal ko nang kumilos dahil sa mga sugat ko.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now