55: MATCH (THE REVELATION 1)

Start from the beginning
                                    

Naramdaman ko na lang na may dumikit sa aking kamay kaya ng imulat ko ang aking mata nakita ko si Sky na nasa bibig ang aking maskara. Mabuti na lang at tinakpan ng aking buhok ang mukha ko. Pinilit kong kunin iyon at dahan-dahan akong umupo, habang sapo ng kanan kong kamay ang kalahati ng aking mukha.

Nang maka-upo ako ay saka ko inilagay ang maskara sa aking mukha. Nakita ko sa gilid ni Sky ang isang malaking mansanas. Natawa tuloy ako sa kanya, imbis na ako ang magpapakain sa kanya ako tuloy ang pinapakain niya. Hidi ko akalain na makakasama ko si Sky sa ganitong klase ng laban. Kapag nalusutan ko ang paligsahang ito gagawin ko ang lahat para maging mabuting amo ng owl na ito.

Hinimas ko ang kanyang puting balahibo na hindi naman niya ikina-angal. "Maraming salamat kaibigan."

Kinuha ko ang mansanas at sinumulang kagatin iyon. Inabot ko ang aking kamay sa kanya at walang alinlangan itong humakbang papunta sa aking kamay. 

Tumayo ako habang ngumunguya ng mansanas. Agad kong inihagis si Sky upang malaya itong makalipad at makalayo sa lugar.

Ngayon, handa na ako sa susunod na laban...

Nakaka-ilang hakbang palang ako ay sumulpot sa aking harapan ang malaking screen. "Congratulations Miss Angel of Music, tingnan mo nga naman ang swerte. Masyado ka yatang pinagpapala ngayon pero tingnan natin sa susunod mong laban kung kakabitan ka pa ng swerte." 

Tsk...  Hindi ko pa rin siya sinagot at hinayaan lang na sabihin nito ang susunod kong gagawin. "Please proceed to the right side of the castle. May makikita kang makalaking pintuan doon. Itulak mo lang iyon at makakarating ka na sa susunod na paligsahan."

Matapos mawala ang screen ay agad na nga akong naglakad papunta sa sinasabi nitong lugar. Nagulat ako sa laki ng pintuan ng makarating ako, bukod doon hindi ko makita ang door knob. Papaano ko bubuksan 'to?

"I forgot to tell you..." Napaatras ako dahil nagulat ako sa paglitaw ng screen sa aking harapan. "Kailangan mo itong itulak upang ma-open ang door na iyan." 

Seryoso 'yun?

"Good luck!" Ito ang huling salitang binitawan niya bago ito tuluyang mawala sa aking harapan. 

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. Naman oh! sa itsura palang halatang mabigat 'yung pintuan eh. Naalala ko tuloy 'yung sikretong pintuan para makalabas ng winter town, mas malaki nga lang ang isang'to. Lumapit ako sa pintuan at boong lakas na tinulak iyon pero hindi bumukas. 

Nakakinis... 

Hindi ba nila alam na galing pa sa ibang laban 'yung mga papasok dito? 

Hindi ko muna sibukan ulit buksan. Kailangan ko munang magpahinga ng kaunti para magkaroon ako ng sapat na lakas. 

Matapos ang ilang minuto, muli akong nagconcentrate, lumapit ako sa pintuan at tinulak iyon. "Yah!!!" Sa pagiging desperada ko ramdam kong tumutulo na ang ilang dugo sa aking mga bukas na laman dahil sa pwersang binibigay ng aking katawan. 

Umuwang ang pinto kaya wala akong sinayang na pagkakataon at halos patalon akong pumasok sa loob, kaya bumulagta ako sa sahig. "Arg... Ha...Ha..." Habol ko ang hininga ko at sobrang kirot na ng mga sugat ko, bukod doon nanunuyo na ang lalamunan ko. "T-Tubig. Kailangan ko ng tubig." Ilang minuto akong nasa ganoong kalagayan nang maramdaman ko na lang na tila may bisig na sumuporta sa aking ulo at inangat ako ng bahagya. Naramdaman ko rin ang malamig na likidong dumampi sa aking labi kaya agad kong nilaguk ang lahat ng laman ng bote. Nang idilat ko ang aking mga mata, isang malabong imahe ang bumungad sa akin.

"Patay ka na ba?" 

Naibuga ko ang ilang tubig na hindi ko pa nalulunok dahil sa boses ng estranghero. Shit... Kilala ko 'yung boses na 'yun! Anong ginagawa niya rito? "H-Hindi ka nakakatulong." Hanggang dito ba naman ganyan pa rin ang asal nang Carlisleng 'to?

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now