50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)

Start from the beginning
                                    

"Nais niyo po bang uminom?" Tanong ni Jane subalit tumanggi ako sa kanya. Muli akong tumingin sa mga screen na nasa itaas namin at pinapanood ang ginagawa ng mga nasa paligsahan. Naningkit ang aking mga mata dahil sa ginagawa ng batang iyon sa Dragon. Tsk... Kupal talaga ang batang ito.

"Master Hagiza si Master Luis po." Napatingin ako sa lalaking may hawak ng baso na may lamang alak. White wine ang tawag nila sa alak na ito.

"Kamusta si Jomelyn?"

Napatingin si Jane sa kanya. Hindi alam ng mga taong nasa paligid namin ang totoong pangalan ng batang iyon. Mabuti na lamang at abala ang mga tao sa kani-kanilang agenda sa bulwagang ito. Hindi ako umimik at muling tumingin sa isang screen kung nasaan ang bata.

Mukhang tapos na niya itong gamutin at dahan-dahan na itong bumaba sa katawan ng Dragon. "Kung ganoon si Lucas pala ang napunta sa kanya. Ang Dragon na matigas ang ulo kagaya ng dati niyang amo." Hinahayaan ko lamang siyang magsalita. "Hindi mo ba na-miss ang dati mong alaga?"

"Ano nang nalaman mo?" Pag-iiba ko ng usapan namin.

"Sumunod ka sa akin." Iniwan namin si Jane at naglakad kami sa maraming tao. Ang mga ito ay Business partners ng pamilyang Dunstan pero hindi lang sila mga Business partners dahil lahat sila ay may kanya-kanyang delgado sa paligsahang ito. Tsk. Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari ito.

Napahinto kami sa paglalakad dahil naagaw ang atensyon namin ng lalaking papalapit sa amin. Si Zeus. "Oh, Hagiza... It's been a long time. How's your life?"

"Buhay pa ako pero hindi na ganoon kalakas."

"Really? I've heard so much stories about your effort kung papaano palakasin ang isang mahinang dalaga. You should be proud of yourself Hagiza. Ha-ha-ha."

Hindi ko talaga gusto ang tabas ng bibig ni Zeus. Kung hindi lang siya anak ni Margareth baka pinatay ko na siya. "At ikaw? Ano namang ginawa mo sa Winter Town at dinala mo ang mga taong ito rito?"

Tiningnan nito ang mga eleganteng taong tuwang tuwa habang tinitingnan sa screen ang kanilang mga alaga na nakikipagpatayan, makaalis lamang sa mundong iyon. "You know Hagiza, wala kang alam sa business. Ang lahat ng ito ay para rin sa Winter Town..." Tumingin ito kay Luis. "...right my brother?" Hindi umimik si Luis.

Ngumiti ito nang nakakaloko at muling bumaling sa akin. "In fact kasama rin naman ang mga anak ko sa paligsahang ito." Itinaas nito ang kanyang kamay sa apat na screen at nakita ko kung papaano pinagsisikapan ng mga anak nito na makaalis sa dimensyon na sila mismo ang lumikha. "Kung marunong kayong magdasal, umpisahan niyo na ngayon dahil mukhang mahihirapan ang alaga niyong makarating hanggang dulo. Ha-ha-ha." Tinapik niya ang aking balikat, naglakad na ito palayo sa amin at kinausap ang iba nitong bisita.

Naaninag ko si Kyzhen kasama nito ang kanyang mga kaibigan. Nalaman kong may negosyo siya sa Winter town at kung totoo man iyon, malamang may delgado rin ito. Yumuko sila sa akin kaya ikinumpas ko na lamang ang aking kamay.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakad hanggang sa nakarating kami sa tahimik na pasilyo. Binuksan nito ang isang pintuan at tumambad sa akin ang tila isang opisina dahil sa lamesa na nasa sentro ng silid, may computer ito at ilang mga papeles sa ibabaw. "Huwag mo nang buksan ang ilaw." Sinunod naman ako ni Luis. "Anong pag-uusapan natin?"

Hindi naman ako nagulat nang suntukin nito ang kanyang table. "Si-si Kuya. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang mag-ina ko." Panimula nito. Nang mahimasmasan ay nagtungo siya sa bintana at tumingin mula sa malayo. "Sinamantala niya ang pagkakataon ng ibilin sa kanya ang Winter Town. Nalaman kong kinausap nito ang isang maimpluwensyang Clan upang makipagpartner sa kanya noong kasalukuyang ginagawa pa lamang ito. Kilalang pihikan at misteryoso ang Clan na iyon kaya hindi ito nakikipagdeal kahit pa unique ang plano sa winter town. Kaya lamang ito pumayag dahil binulgar nito ang sekreto ng pamilya namin. Hindi ordinaryo ang Clan na iyon at upang makasiguro na totoo ang sinabi ni Kuya Zeus kaya palihim nilang pinasok ang Castle na noong mga oras na iyon ang mag-iina ko lamang ang narito." Hindi ko man makita ang mukha ni Luis subalit damangdama ko ang kanyang poot, lalo na ang kanyang kamao.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now