"Ang bagal eh." Saad niya at saka ngumiti.

"May gumagamit pa po kasi kaya mabagal." Sagot ko sa kanya. Hindi na ito sumagot pero kinuha nito ang kamay kong nakahawak sa kanya at dinala sa mga labi niya. Hinahalik- halikan nito ang kamay ko.

At nang sa wakas bumukas rin ang elevator at nagsipag labasan ang mga sakay nito. Agad kaming pumasok sa loob at pinindot nito ang floor kung nasaan ang suite namin.

Wala kaming nakasabay  dito sa loob kaya wala anuman sa kanya na hilahin ako  at hinalikan.

Ang lalim nito kung humalik, para inaabot nito ang kalaliman ng bibig ko.
Pakiramdam ko kahit ang hininga ko ay hinihigop din nya.

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib nya para itulak sya. Kailangan ko ng hangin, ang lakas  makahingal kung humalik ito.

Sa una ayaw pa niyang magpaawat kaya mas nilakasan ko ang pagtulak sa kanya.
"S-sandali lang Clark. Awat muna. Baka may biglang pumasok dito." Saad ko habang hinihingal. Ang kamay ko ang nasa dibdib pa rin niya.

Kung ako hinihingal, siya naman ay parang wala lang sa kanya.

Tumango lamang ito at tumayo sa tabi ko. Pero hinawakan  niya uli ang isa kong kamay.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa floor ng aming kwarto.
Buti nga at walang taong umabang para gumamit ng elevator.

Nang makarating kami sa loob, agad niyang nilock ang pinto at mabilis na lumapit sa akin. Dinakma nito ang mga labi ko at walang pakundangan humalik.

Kumapit ako sa batok niya para hindi ako mawalan ng panimbang. Ang isa nitong kamay ay nakaalalay sa aking bewang at isa pa ay nasa batok ko.

He was kissing me fully, parang numipis ang mga labi ko sa paraan ng kanyang paghalik.

Pero hindi ko magawang magreklamo dahil noon pa man ay pinangarap ko kung paano mahalikan ng isang Clark Villanclara.

At ngayon ay natutupad na.

Kahit nangangapa ay pilit ko sinasabayan siya sa paghalik. Ibang klase siya kung humalik dahil buong bibig ko ay sakop niya.

Mula sa aking mga labi bumaba ang kanyang mga halik sa aking panga, pababa sa aking leeg. Medyo nagtagal siya doon, dahil kinakagat-kagat pa nito ang balat ko. Sigurado akong naglagay siya ng mga marka. Parang minamarkahan na niya ako.

Napasinghap ako dahil kinakagat niya ang leeg ko. Medyo masakit pero may kalakip na sarap.
Mas kumapit ako sa paghawak sa kanya batok dahil doon.

Hindi nagtagal ay bumaba uli ang mga halik niya sa aking balikat ay tumigil sa ibabaw ng aking dibdib.
Doon mas lumakas ang kakaibang damdaming nararamdaman ko.

Napaisip ako habang ang isa kong kamay ay humahaplos sa kanyang buhok.
Ito na ba yun? Mangyayari na ba ito sa amin?
Ibibigay na ba namin sa isa't-isa ang mga sarili namin?

Dapat ibibigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko. At mahal ko si Clark.

Mas lumakas ang pagsingap ko nang maramdaman kong hinalikan niya ang isang dibdib ko kahit na may saplot pa ito.
"Ahh Clark!"

Oh my!! Hindi na nagpapigil si Clark, hinalikan nito ang dibdib na naaayon sa kanya.

Hindi hindi alam kung bakit,  pero biglang rumistro ang nangyari sa London.

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon