49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)

Start from the beginning
                                    

"Kung ganoon, maari na kayong pumasok sa kahit anong pintuang nais ninyong pasukin. Subalit isa-isa lamang ang pagpasok."

Wala nang sinayang na sandali ang ilang tao at agad na silang umabante upang buksan ang napili nilang pintuan.

Bumuntong hininga muna ako upang palakasin ang aking loob. Nang sapat na ang minuto sa aking pag-iisip kung alin sa mga pintuang ito ang aking bubuksan ay napagdesisyunan ko na ring umabante.

Mas pinili ko ang gitnang bahagi. Nang lumapit ako ay halos kasabayan ko lamang ang isang tao na halos balot na balot sa kanyang katawan ng malaking tela hanggang sa kanyang ulo kung kaya't hindi ko makita ang kanyang mukha.

"Bilisan mo na!" Sabi nang lalaki sa aking likuran. Mukhang ito rin ang pintuang kanyang napili. Agad ko na man nang binuksan ang pintuan at pumasaok sa loob. Pagkasara ko ay kadiliman ang sumalubong sa akin.

Naglakad ako pasulong hanggang sa nagulat ako dahil biglang nagbago ang paligid. Parang nasa isang malawak na espasyo ako na katulad sa under ground na bahay ni Master Hagiza. Mas malaki nga lang ito. May mga poste na nagsisilbing pundasyon ng lugar. Kamangha mangha naman ang mga lantern na nagsisilbing liwanag nito na lumulutang sa paligid. Nang tumingala ako tila walang hangganan ang kadiliman sa itaas kung kaya nagsilbing bitwin sa langit ang mga lantern na nasa itaas. Sinundot ko ang isang lantern na nasa aking harapan kaya lumipad ito palayo sa akin.

"How are you Miss Angel of music?" Nagulat ako nang sumulpot ang isang screen sa harapan ko. Tumambad sa akin ang mukha ni Ms. Harmony. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siya sa mga nais niyang sabihin. "Silent treatment? Anyway madali lang naman ang gagawin mo. Kailangan mo lang hanapin ang lantern na magsisilbing portal mo upang makabalik sa reality. Hindi ba napakadali lang?" Duda ako sa sinabi niyang madali. Habang nagsasalita si Ms. Harmony para akong nakakaramdam ng kakaiba sa paligid. Hanggang sa nakakarinig na ako ng yabag at kaunting ungol na hindi pamilyar sa akin. Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasaling malalaman ko agad kung ano iyon. "Oo nga pala, siguraduhin mong hindi mawawasak ang lantern na iyon dahil kung mawasak iyon, hindi ka na makakabalik pa." Muli kong ibinalik ang aking tingin sa screen na nasa aking harapan pero nanlaki ang mata ko kung ano ang nasa likuran ng screen.

May pares ng mata ang biglang sumulpot doon kaya napaatras ako dahil hindi maganda ang kutob ko rito. "Ayan na pala siya." Pahabol pa ni Ms. Harmony. "Good luck Miss Angel of music." Bago tuluyang mawala ang screen ay nagpakita rin ang nilalang na nagmamay-ari ng malaking mata.

Isang dragon at hinahabol ako na ako nito.

Hree!!!

Ang sakit sa tenga ng paghiyaw niya. Parang galit na galit ito sa akin kaya mabilis akong tumakbo sa kung saan-saan. Dahil sa mga lantern na nakaharang kaya sinisira niya ang mga iyon. Hindi baka masira niya ang lantern na kailangan ko. Gusto ko nang magmura dahil bukod sa hindi ko malaman kung alin dito ang lantern na tinutukoy ni Ms. Harmony, problema ko rin kung paano ko malulusutan ang Dragon na ito. Nagtago ako sa isang poste. Pinakiramdaman ko ang paligid ko dahil hindi ko na marinig ang hiyaw niya. Pagsilip ko tumambad sa akin ang pagkalaki-laki niyang mukha... "Shit!!!" Muli na naman niya akong hinabol.

Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Kailangan kong maka-isip ng paraan.

Nakita ko ang isang malapad na poste kaya tumalon ako at sumayad ang paa ko sa katawan ng poste. Parang bumagal ang movement ko sa ere pero dahil dirediretsyo lang ang dragon kung kaya nauntog siya sa matibay na poste.

Lumanding ako sa katawan niya pero bigla siyang natahimik. Umiling-iling ito habang nakapikit, mukhang nahilo siya pero binabalik niya ang sarili sa katinuan.

Ilang minuto lang ay nakabawi na ito. Iyon nga lang mas lalo siyang nagalit, lalo na ng maramdaman niyang nasa likuran lang niya ako at nakasakay sa kanya.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now