45: STRANGERS (4)

Start from the beginning
                                    

"Hindi ito kalokohan! As what you'd thought always, Ares."

Ares? Akala ko ba Vincent ang Pangalan niya? Nagkamali lang ba ako nang pagkakakilanlan ng boses? May kaboses ba si Vincent sa mga bisita ni Master Hagiza?

"Sa palibot ng root valley, lagi naming nakikita ang isang puting bagay na hindi namin alam kung ano! Hindi ko rin maintindihan kung bakit tanging kami lang ng kaibigan ko ang nakakakita sa bagay na iyon. Isang gabi nang sinundan namin ang liwanag bigla itong naghugis tao at nagsalita. The elemental stones we searched are already fated to anyone or someone else. Hindi ang mga God's, hindi rin sa mga katulad naming Ducentibus o kahit sa mga sorcerer at wizards!"

Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nang babae. Ang tanging naunawaan ko lamang na nakalaan na ang apat na elemento sa iba. Pero sino?

Bigla akong nakaramdam ng antok. Medyo malabo na rin ang boses na naririnig ko. A-ano bang nangyayari sa akin?

Napatingin ako sa basong wala nang lamang tubig. Kinuha ko iyon at inamoy. Bakit hindi ko ito naamoy kanina? Batrip naman oh. Ang matandang hukluban, nilagyan ng pampatulog ang inumin ko.

Gusto ko pa sanang makinig pero hindi na kinaya ng katawan ko.

Sa muli kong pagmulat, kisame na naman ng bahay ang sumalubong sa akin. Dahan dahan akong umupo habang hawak ang aking ulo. Though ramdam ko ang gaan ng pakiramdam, marahil sa tulong nang pagpapahinga subalit tila may nararamdaman akong nakakatakot na enerhiya na naman sa paligid. Ito ang dahilan kung bakit bigla akong nagising.

Hindi ko gusto ang enerhiyang ito dahil parang hindi kinakaya ng ulo ko ang nakakatakot na awra. 'Yung pakiramdam na parang lumalaki ang ulo ko at nagtatayuan ang balahibo sa aking katawan.

Agad kong sinuot ang aking maskara at lumabas ng kwarto upang malaman ko kung anong nangyayari sa paligid. Napahinto ako nang makita ang tatlong babaeng naka-upo sa japanese table, mukhang seryoso rin ang pinag-uusapan nila. Napansin ako nang isa kaya nagsalita na ako. "Anong nangyayari rito?" Lahat naman sila ay napatingin sa akin.

Nakilala ko yung isang babae. Kung hindi ako nagkakamali siya 'yung nasa school. May kasama siyang foreigner na lalaki. Ang natatandaan ko pa sinusundan niya ako.

"I-ikaw pala iyon?" Gulat na gulat na naman yung tingin niya sa akin, maging ang iba nitong kamasa. "Siya ba? O another half mask again." Mukhang hindi siya sigurado kung ako ba talaga ang nakita niya sa school o hindi. May iba pa ba sa school na nagmamaskara? "Ikaw pala ang tinutukoy ni Hagiza sa amin. Ngayon alam ko na kung bakit walang nababasa si Anchises tungkol sa identity mo dahil isa ka palang itinakda..."

Paano naman nila nasabi na ako nga ang itinakda? Kung ako nga 'di sana hindi na ako dadaan pa sa kung anu-anong proseso.

"Huwag kang mag-alala kung bakit namin alam, nasabi na ni Hagiza ang ibang detalye at wala kaming balak sa bagay na iyon."

Ano naman kayang pinagsasabi ni Master Hagiza sa mga ito? Akala ko ba may alinlangan siya sa akin?

"Hi!" Masayang bati nang isa nilang kamasamang babae. "I'm Po, ito si Jho at Jona. Ate na lang ang itawag mo sa amin."

"O-opo." Shems, hindi ako sanay maging magalang. Halos kasing edad lang nila si Vincent kung titingnan sa mga itsura nila pero hindi ko rin iyon tinawag na Kuya Vincent o Oppa. Ang awkward siguro sa pakiramdam pero mukhang kailangan ko rin talaga silang igalang. "Nabanggit na rin ni Master Hagiza ang ibang detalye." Kahit ang totoo'y hindi ko pa nakikita si Master Hagiza simula nang makatulog ako. "Ako po si Elyon." Yumuko ako bilang paggalang sa kanila.

"Pasensya ka na at nagulo namin ang lugar niyo, pero wala naman kaming balak na masama. Nagkataon lang na ----" Nahinto si Ate Jona sa pagsasalita.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now