43: STRANGERS (2)

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na alam kung mamamangha o mawiwirduhan na ako sa mga nangyayari.

"Nixio Exponentia!" Bigkas nang lalaki habang nakataas ang dalawa nitong kamay.

Kumpirmadong gumagamit din siya ng spell dahil kagaya nang lider ng mga halimaw ay may lumabas din sa mga kamay nito na parang itim na enerhiya at agad ibinato sa mga Ninja. Sumabog ang mga ito at naglaho na lamang ng parang bola.

S-subarashidesu!

Nagpalinga linga pa ako upang makasiguro subalit wala na talagang natira.

Mas gulat ang itsura nang mga kasama ko kaysa sa lider ng mga halimaw na nabatiwanan agad ang babae habang matamang nakatingin sa isa pang estrangherong lalaki.

Hindi pa man ako nakakarecover sa nangyayari ay may sumulpot na isa pang lalaki.

Gusto kong isipin na nananaginip lang ako pero hindi... Alam kong nasa reality ako.

Naestatwa na lamang kaming tatlo habang pinapanuod kung paano maglaban ang tatlong kakaibang nilalang.

Natalo nila ang lider ng mga halimaw at binuhat nang isa ang babaeng wala ng malay. "We need help." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kalagayan ng babae.

"Lumapit kayo rito." Utos sa amin nang isa pang lalaki subalit hindi namin ginawa. "Kailangan niyong sumama sa amin upang maipaliwanag namin ang nangyayari."

Umusad si Carl pasulong. Hindi na niya inantay ang basbas ng aming sensei.

Tumango na lamang si Bill nang tingnan ko siya. Halos kasabayan ko siyang lumapit sa mga ito.

"We don't have enough time kaya kailangan kong gawin ito." Unti-unting lumabo ang paligid. Namalayan na lamang namin na nasa isang kwarto na kami.

A-anong lugar ito?

Kung susuriing mabuti mukha kaming nasa isang malawak na sala. Agad akong dumungaw sa bintana upang pag-aralan ang lugar.

"We are still in winter town." Sabi ng lalaking estranghero habang ang isa pang lalaki ay dahan dahan inihiga ang walang malay na babae sa pinakadulo ng sala na may higaan. Tama siya... Pamilyar sa akin ang isang shop na halos katapatan lamang nito.

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isa pang lalaki na mukhang mas bata ng kaunti sa dalawang estranghero. Gulat ang rumihistro sa mukha nito. "Why are you here Jiro?" Tumingin ito sa lalaking nasa dulo at sa aming tatlo. "Anong nangyari?"

"I will explain it to you bro, but for now..." Tumingin ito sa dulo ng sala kung saan na roon ang iba pa naming kasama sa bahay. "...may kailangan ng tulong mo."

Walang nagawa ang lalaki kundi ang magtungo sa pinakadulo ng sala upang icheck ang kalagayan ng isa. Matapos ang ilang minuto nakumpirma nito ang nangyari sa babae. "Isa itong lason na nagmula mismo sa Dark world."

Hindi na kami nag-abalang tingnan kung papaano nito ginagamot ang babae. Hinayaan muna namin silang tulungan ito habang kami naman ni sensei ay naupo sa couch. Si Carl naman ay sumandal lamang sa pader na malapit sa bintana.

Base sa itsura nito mukhang naiinip na siya sa nangyayari. Isang himala na nga lang na hindi ito nagwalk out.

"Hindi ako makapaniwala na ang ginagamot ko ngayon ay isang Carrier ng flaming blades at ------" Hindi na nito naituloy ang sasabihin.

"Maayos na ba ang kalagayan niya Kyzhen?" Tanong ng kung hindi ako nagkakamali, Jiro ang pangalan.

"Nasa maayos na. Kailangan na lang niya ng kaunting pahinga." Inayos nito ang kumot ng dalaga at hinarap ang kasama. "Malaki ang utang mo sa akin Jiro kaya ihanda mo na ang milyones mo para sa kabayaran."

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now