Tsk... Mahina parin siya.

Hindi sapat ang ganyang enerhiya para makatagal sa laban.

Lumusong siya sa tubig hanggang sa kainin ang boo niyang katawan. Hinayaan ko kung anong sunod niyang gagawin subalit ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin siya umaahon.

Nagsalubong ang aking kilay dahil wala pa ring nangyayari. Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang nagdaan subalit nakakaramdam ako ng hindi maganda. "Damn this girl! Nabaliw na siya!" kahit labag sa loob ko ay patakbo akong nagtungo kung saan siya nakatayo kanina pero hindi pa rin siya umaahon. Ang masama pa nito hindi ko na maramdaman ang enerhiya niya... Shit. Magpapakamatay na ata ang baliw na babaeng 'to!

Binitawan ko ang aking espada at lumusong sa maalat na tubig. Sumisid ako hanggang sa makita ang katawan niyang halos sumayad na sa puting buhangin ng dagat.

Kinuha ko siya at lumangoy ako paitaas hanggang sa marating namin ang pinakatuktok nito.

Habol ko ang hininga at lumangoy ako hanggang sa makaahon kami.

Binuhat ko siya at inihiga sa buhanginan. Ngayon ko lang napansin na wala siyang maskara kaya lantad na lantad ang---- Damn! Ano ba 'tong ginagawa ko? Eh ano kung kita ko ang mukha niya? May takip man ang mukha niya o wala mahina pa rin siya sa paningin ko.

Tsinek ko muna ang pulso nito kaya alam kong ma-re-revive ko pa siya.

Ayoko man pero kailangan ko siyang ICPR. 

I pump her chest pagkatapos tinakpan ko ang kanyang ilong at arggg... No choice i need to do this...

Ibinuka ko ng bahagya ang kanyang bibig upang mabigyan ko siya ng hangin.



--------------------------------------------------------



Elyon

"Jomelyn." Napadilat ako dahil sa boses na pamilyar sa akin. Nag-adjust ang aking mata kaya hindi ko agad naaninag ang taong nasa harap ko.

S-sino ka?

Hindi ako makapagsalita dahil pilit kong inaalala ang taong ito. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. "Paki-usap. Iligtas mo ang mundo."

Umiiyak siya. Pero bakit? Bakit ako?

Bigla siyang nawala sa paningin ko at kadiliman na naman ang bumalot sa aking paligid.




"Sigurado po ba kayo?" muli isang tinig na naman ang narinig ko mula sa kadiliman pero parang pamilyar sa akin ang boses niya. "Mukha po siyang mahina. Hindi ako makapaniwala na isang kagaya lang niya ang papalit sa iyo."

Pinilit kong imulat ang aking mga mata at puting kisame ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang paligid at nakita ko ang dalawang tao na malapit sa pintuan.

"Gising na siya." Sabi nang isang ginang na maputi ang kulay ng buhok, kulubot ang balat pero makikitaan pa rin ng kagandahan at kakaibang awra.

Lumapit ito sa akin at ngumiti. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong niya.

"Si-sino po kayo?" wala sa hulo kong tanong. Hindi pa kasi makapag-process sa sistema ko ang lahat. Kung bakit ako nandito at kung bakit ko sila kasama.

"Hindi mo ba ako natatandaan? Ako ang niligtas mo." Malumanay ito kung magsalita na parang nakapakaganda sa pandinig o baka nagha-hallucinate lang ako. Pinilit kong tumayo pero hinawakan niya ang magkabilang kong balikat. "Huwag mong pilitin."

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now