35: FIRST SNOW FALL

Start from the beginning
                                    

Pagkamangha.

'Yan ang nakikita ko sa bawat taong madaanan ko sa Village. 

The first snow fall. 

Tila isang karangalan para sa mga first timer na maranasan ang ganito. Maliban sa akin.

Masyado na kasi akong maraming iniisip kaya hindi ko ma-enjoy ang moment. Ang nangyari kay Phoebe. Ang kausap nito bago mangyari iyon. At ang paligsahan sa taglamig. Idadag mo na rin ang nakuha ko sa exams. Laglag na naman ang balikat ko. Sana hindi muna bumalik si Master Luis.




-------------------------------------------------------



November

Nanunuot sa aking katawan ang sobrang lamig na panahon. Nararamdaman ko ang patuloy na pag-ulan ng niyebe. Wala akong masyadong patong na damit sa katawan dahil pinagbawalan ako ni Master Hagiza na gawin iyon. Mas mahihirapan daw ako kung sobrang kapal na damit ang susuotin ko. Pero bwisit naman mamamatay naman ako sa lamig.

Nakikiramdam ako sa paligid. Tinatansya ko kung saan susugod si Master Hagiza. Kung bakit kasi naisipan nitong matandang hukluban na sa gubat mag-ensayo. Badtrip talaga!

Nakapiring pa rin ang aking mata. Bahagya kong pinustura ang aking katawan upang maging handa sa anumang pag-atake ni Master Hagiza. Nakarinig ako ng bumubulusok na hangin papunta sa aking harapan kaya agad akong umiwas. Narinig ko na lang na tila bumaon ito sa isang matigas na bagay. O baka sa puno. Hindi pa man ako nakaka-recover may bigla na lang sumipa sa aking mukha. Bumagsak ako pero agad ring tumayo.

"Ang daya, bakit po may dagger kang dala?" kainis 'tong matandang ito.

Hindi siya sumagot kaya muli na naman akong nakiramdam.

Naramdaman kong may aatake sa akin mula sa itaas kaya agad akong tumalon upang umiwas. Hindi pa man ako nakakatapak sa lupa ay may naramdaman na naman akong bulusok na hangin kaya agad kong pinagkrus ang aking braso upang dipensahan ang atake niya.

Naramdaman ko na lang ang sunod sunod nitong pagsuntok. Sa kaliwa sa kanan sa itaas at maging sa aking tiyan ay pilit nitong pinuntirya subalit matikas ko rin iyong sinasalag.

Nakalapat na ang aking mga paa sa lupa pero hindi pa rin natapos ang atake ni Master Hagiza. Ramdam kong seryoso ito sa ginagawa niya dahil hindi ko man lang ito narinig na nagsasalita. Bukod doon mas mabibigat pa ang atakeng binibitawan niya.

Hindi lang pagsuntok ang ginagawa niya. Binubuo ko ang imahe ni Master Hagiza sa aking isipan. Ang pustura niya. Ang mga atake niya. Sumipa siya kaya tumambling ako upang maiwasan iyon. Ilang beses niyang ginawa iyon kaya panay ang pagtambling ko pero bigla niya akong hinawakan sa kamay at inikot. Hinagis ako nito pero pinilit kong iwagayway ang aking mga paa. Tumapak ako sa katawan ng puno. Bumuwelo at bumulusok sa kanya. "Yah!!!" sigaw ko.

Sinalag niya ang atake ko. Itinaas niya ang aking kamay at sinikmuraan ako. Napayuko ako. Sinuntok niya ang aking mukha kaya napa-upo ako sa lupa.

Naramdaman kong papasugod siya... Lapit pa. Hindi naman ako nabigo kaya sinipa ko siya ng malakas. Alam kong nagtumpay akong atakihin siya. Wala akong sinayang na pagkakataon kaya bago pa siya makabawi ay agad na akong tumayo at umatake.

Sumuntok at sumipa ako ng sunod sunod pero lahat ng iyon ay nasasalag niya. Bambihira talaga ang matandang 'to!

Hindi ako pwedeng huminto. Kunti na lang muli ko na naman siyang malalamangan. Naramdaman kong tumalon siya kaya ginawa ko rin iyon pero hindi ko natansya ang tinapakan ko kaya nawalan ako ng balanse at muntikang mahulog sa malaking sanga. "Ah!!!" tinapakan niya ang kamay ko kaya napabitaw ako sa sanga at inantay na lumapat ang aking mga paa sa lupa.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now