AGTR 69

846 20 6
                                    

Danica's Point of View.

"Class Dismissed." Sinarado ko ang notebook ko. Inilagay ko na ito sa bag.

"Bes, mauna na ko. My schedule pa kasi ako. Babush! Mwuah!" Pagtapos niya ko halikan sa pisngi, dali-dali siya tumakbo palabas. Napangiti nalang ako.

Gustong-gusto niya talaga yung trabaho niya. Kumikita din siya ng malaki kaya di na siya humihingi sa magulang niya. Adik man yan sa mga damit, magaling naman siya maghawak ng pera.

Ako kaya? Maghanap na din ako ng trabaho? Kahit part-time job. Para may pera ako. Nahihiya na ako humingi ng humingi sa magulang ko.

Tama. Maghahanap na ko, kapag wala akong pasok. Madami naman siguro.

Tumayo na ako. Inayos ko ang upuan ko. "Hey."

"Ay palaka!" nagulat ako na may kumalabit saakin. "Ba't andyan ka sa likod! Nakakagulat ka naman e!" Saad ko kay Harold. Natawa lang siya.

"Tara, kain tayo. Samahan mo ko." Magsasalita na sana ako ng bigla niya tinakpan ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. "May utang ka pa saakin diba? Dapat kakain tayo, pero di natuloy." Tama naman siya. Wala naman akong gagawin masyado. Pupuntahan ko lang si Jacob para ibigay yung mga papel na pina xerox ko galing sa note book ko. Andun kasi yung lesson sinulat ko.

"Sige na nga." Pagpayag ko. "Woah! Easy!" hinila na niya ako palabas. Psh, masyado excited kumain! Hahaha.

Wala na ko nagawa kundi mag pahila nalang. Tumingin ako sa oras. Maaga pa naman para sakto pag punta ko sa ospital ilalahad ko lang yung mga papel tas gora na.








DINALA niya ako sa mall. Doon naoang daw kami kumain dahil may bibilin daw siya, samahan ko na daw siya.

"San mo gusto kumain? Jollibee? Mcdo? KFC? San?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Himala di ka na nag resto. Hahaha." Biro ko.

"Nakakasawa pagkain doon. Next time. So san nga?" tanong niya uli habang naglalakad kami.

Napaisip ako. "Kfc nalang." Dahil.....
....una ko nakita yun HAHAHA.

Pumunta na kami sa Kfc. Una ko hinanap ay upuan. Nang makahanap ng pwesto, umupo ako. "Ikaw na mag order saakin." Saad ko, tutal siya naman manlilibre.

"Sige. Order na ko." Pumunta na siya sa counter para umorder.

Habang naghihintay nag search na ko kung saan puwede magtrabaho. Yung part-time job lang dahil estudyante pa din ako.

"You look serious." Muntik ko na mabitawan yung cellphone ko na bigla magsalita si Harold.

"May hinahanap kasi ako." saad ko. Nilapag niya yung tray na puno ng pagkain—PUNO! As in. Nanlaki ang mata ko. Mauubos kaya namin to? "Seryoso ka ba dito? Ang dami nito." di makapaniwalang sabi ko.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now