AGTR 70

865 19 2
                                    

Jacob's Point of View.

Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan lumabas si Danica. Nakatulala ako. Ang daming tanong ng isip ko, at wala pa din kasagutan!

Shit. Napasabunot ako nang naalala ko yung ginawa ko sakanya. "Ano ba ginawa mo Jacob!"

HINALIKAN ko siya. Oo, aaminin ko, hinalikan ko siya.... di ko din alam!

Bakit ko ba siya hinalikan. Nang makita ko yung ko siya ang saya ko. Parang miss na miss ko na siya. Bakit ganun? Tapos, nang makita ko yung labi niya. May kung ano saakin na halikan siya!

Y-Yung pakiramdam ko nung hinalikan ko siya kakaiba. Parang nahalikan ko na siya noon.

Yung tipo na ayoko na tigilan dahil gustong-gusto ko.

Ang lambot ng mga labi niya...

Yung pakiramdam na di ko naramdaman kay Thalia...

Yung halik na matagal ko nang hinahanap.

Yung yakap na kakaiba.

Lahat yun, naramdaman ko kay Danica.

"ARGH! Naguguluhan na ako!" Inis na saad ko.

Naguguluhan na ko. Dapat di ko nararamdaman to. Tama si Danica, mali to.

Pero..............................Di ko mapigilan yung nararamdaman ko. Di ko alam!

May kakaiba na ko nararamdaman, at alam ko yun. P-Pero hindi puwede. Ayoko masaktan si Thalia...Mahal na mahal ko siya.

Gulong-gulo na ako.

Mahal ko si Thalia

Pero

May nararamdaman na ako kay Danica.

I need answers. Kailangan ko makausap si Danica. Lahat gagawin ko malaman ko.

Dahil kahit anong mangyari, Hinding-hindi ko ipagpapalit si Thalia kahit kanino man.
Mahal na mahal ko siya para saktan siya. Nangako na ko na siya na yung babae papakasalan ko.

Kailangan ko tupadin yun. At yung nararamdaman ko kay Danica?

Pipigilan ko.

Bigla ako napatingin sa pintuan. "Hey Bro—What happened to you?" Bigla niyang tanong. Tinanggal ko yung salamin ko at inayos ang buhok ko. "Where's Danica?" tanong pa niya.

Sumandal ako. "Lumabas." tipid na sagot ko. Parang napagod ako ng magkasagutan kami ni Danica.

"Weh? Btw, kamusta ka na?" tanong niya. Tinignan ko siya. Kumuha siya ng upuan at umupo.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now