AGTR 49

910 21 0
                                    

Danica's Point of View.

*Kringg*Kringgg*

Napabangon ako bigla. "Late na ko?!" Kinuha ko ang phone ko at nang makita ko.... -_-#

Phone ko lang pala.

Thalia is calling..

"Hello?"

"Oh, nagising ba kita?"

"Kalog lang? Syempre magigising ako, pano ko sasagutin? Natutulog?"

"Girl, init naman nang ulo nito. HAHAHA. Bwinibwisit lang kita."

"Ano? Ginising mo ko nang maaga kahit sabado para bwisitin ako?....Okay, ipupunta na talaga kita sa mental..sabihin mo lang."

"HAHAHAHHAA, echos ka bessy!"

"Ano ba kailangan mo, baliw?"

"Kasi ang totoo niyan, magpapasama ako sa mall."

"Para san?"

"Eiiii, ano kasi...wait! Kinikilig ako!"

"Parang tanga? HAHA."

"Ano kasi girl. Bibili ako nang susuotin ko para sa pagsundo ko kay Thunder.."

"Thunder?" Tanong ko..pamilyar yung pangalan saakin.

"Yup! Yung bebeloves ko! Hahaha. Diba nakwento ko sayo na uuwi na siya? Gusto ko maayos niya ko makikita."

"Girl, eto lang yan ah! Di mo naman kailangan bumili nang damit na bago, bago mo siya salubungin, okay?"

"Eee.. "

"Kasi, di naman nasusukat doon yun noh!. Atsaka di naman niya iinitindihin yun. Ang importante, mayakap at makita niyo ang isat isa."

"Oo nga noh? Its not important. Ang mahalaga makikita namin ang isat isa."

"Yup, mahirap ang LDR. Pero ikaw?"

"Ahm, gusto ko pa din HAHAHA. Wala na ko damit e."

"Sabi na e. Sige, ano oras?" Napatingin ako sa orasan.

12 na? Siguro di ako ginising nina mama. Dahil wala naman pasok.

A Ghost to Remember. (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें