AGTR 12

1K 40 2
                                    

Danica's Point of View.

"Lalala-Ahh! Mag ingat ka nga! May nasasaktan ka eh!" Sigaw ko doon sa lalaki. Pano ba naman kasi tinagusan niya ko, uy masakit yun ah! Ang lakas kaya ng impact kapag may tumatagos saakin >_<

Oo nga pala, lumabas ako. Hihi ^_^ Boring sa unit ni Jacob eh. Saka maganda kaya lumabas labas.

Umupo ako sa may waiting shed. Wahh ang sarap ng simoy ng hangin.

"Hmm-hmm." Kumakanta ako na may tumabi saakin. Isang lalaki...bakit parang bigla ako kinalibutan. Tumingin ako sa lalaki. Bakit parang pamilyar niya saakin? "Ahh." Napahawak ako sa may parteng puso ko..bakit ganto nararamdaman ko? Bakit may sakit?

"Bakit mo to nagawa saakin! Akala ko ba mahal mo ko!"

Nanlaki ang mata ko. Ano yun? Bakit bigla ako may nakita sa isip ko. Ang labo...ang naririnig ko lang eh yung boses....... Ano ba yun? May naramdaman ako na tubig na pumatak sa kamay ko, may ulan? Tumingin ako wala naman. Kinapa ko ang pisngi ko..."Bakit ako umiiyak?" Pinunasan ko iyon...nang tumayo ang lalaki at umalis...

"Mahal, ako lang ah...ayoko sa lahat na may lumalapit sayong lalaki...akin ka lang...I love you."

May pumatak na naman na luha sa mata ko. "B-Bakit g-ganto nararamdaman ko sa lalaking iyon?" Tanong ko sa sarili ko. Bakit ang sakit?

Bakit?....

***

Jacob's Point of View.

Pumasok ako sa unit ko....akala ko bibiglain ako ni Danica pero hindi, ang tahimik...siguro lumabas siya.

Anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock. 5 pm na pala.

Tumingin ako sa pintuan, doon ko nakita si Danica. Nakatulala siya. "Oh ano nangyari sayo?" Imbis na pansinin niya ako dumaretso siya sa kwarto niya. Aba!

Tsk. Edi huwag, kung ayaw niya ko kausapin ayoko rin siya kausapin.

Umupo nalang ako sa sofa saka nanood ng tv. Ano ba kasi problema nung babaeng yun? Hayaan mo na nga yun.

Bzzt*Bzzt*

"Hello?"

"Jacob?"

"Ba't ka na patawag?"

"Di ka parin nagbabago Jacob."

"Ano ba kasi kailangan mo?"

"Let's talk."

"For what?"

"You know—"

"Stop it C—"

*Boogshh*

Napatingin ako sa likod ko. Nanlaki ang mata ko. "Danica!" Pinatay ko ang phone ko at tumakbo palapit sakanya.

"Aahh!" sigaw niya. Nakahawak siya sa ulo niya. "Ano bang nangyayari sayo! Danica!" sigaw ko. Tumingin siya saakin, nanlambot ako, ayaw na ayaw ko nakakakita ng babaeng umiiyak..dahil naalala ko si mama.

"J-Jacob." Tumingin ako sakanya. "Danica, huminahon ka."

"N-Natatakot ako." saad niya. Niyakap ko siya. "Shhh, andito na ko." saad ko.

Hinayaan ko siya na umiyak sa bisig ko. Kailangan niya to kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya.

***

Someone's Point of View.

"Danica!"

*Toot*Toot*

Nanlamig ang kamay ko. S-Sinong Danica? Siguro naman ibang Danica iyon. Kumalma ka...hindi siya yung Danica.

Magkapangalan lang sila.....matagal na wala iyong babaeng iyon. Kaya siguro ibang Danica iyon...

Pano kung buhay siya? Kinuha ko ang phone ko.

"Bakit ka napatawag?"

"S-Sigurado ka na namatay si Danica diba?"

"Oo, nakita mo diba? Kasama ka noon."

"Pano kung buhay pa siya?"

"Ano bang sinasabi mo! Puwede ba kalimutan mo na yun."

"You're right, matagal na yun."

"Bakit mo ba sinugurado?"

"Wala, naalala ko lang."

"May kailangan kang malaman."

"About?"

"Jacob,may alam siya."

"WHAT!!" di puwede!

"Bukas ko sasabihin sayo."

"Sige." Pinatay ko ang phone ko.

May alam siya sa babaeng iyon? Pati ba naman siya? Di ako puwede makulong...Hindi ako papayag. Gumawa na ako ng paraan para patahimikin agad iyon kaya di puwede na umingay iyon.

-----------
Hi guys! Meron tayong new character.

Nacu-curious ba kayo? Kung sino sa kaibigan ni Jacob ang kasama sa kaso ni Danica? At kung sino yung babaeng kausap rin ni Jacob?

And ang hilig ko sa amnesia hahaha. Sana huwag kayo magsawa. Ganun talaga....

Don't forget to Vote & Comment.

~Lovelots.

-Littlegirlost.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now