Chapter 90

663 12 0
                                    

Enjoy reading guys! Dahil nangako ako na mag uupdate ako sa Christmas breakk hehe.

Danica's Point of View

Nagtatawanan kami nila Lisa sa may tent ng bigla kaming ginulat ni Chris. "Opss! I didn't mean to surprised all of you." saad niya habang natatawa.

"Why?" tanong ni Cess.

"Kakain na tayooo." pakanta na sabi niya at umalis na sa pagkakadungaw. Pfft. Lumabas na kami isa-isa.

Napahanga kami ng mga lalaki. Ang galing nila maghanda. "Okay ba?" tanong ni Cliff.

Tumawa lang kami at umupo. "Kamusta?" tanong ni Jacob. Nakangiti siya sakin. Kaya di ko napigilan ngumiti din.

"Okay naman. Nakapahinga naman kami kahit onti haha. Ikaw?" tanong ko at nagsimula na kumain.

Ganun din si Jacob. "Eto, iniisip ka pa din." Namula naman ako kaya agad ko kinagat yung kinakain ko para di niya makita pa iyon.  "Pft. Namumula ka." asar niya. Anak ng kung ano! Nakita pa yun!

"Namumula ka dyan? Ano siningot mo? Marijuana? Shabu?" saad ko na kinatawa niya. Di ko napigilan ang pag ngiti ko sakanya. Ang pogi niya!

Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti dahil ang tagal ko na hinahangad na maging ganto kasaya kasama si Jacob.

Yung tao ako.

Yung nahahawakan ako.

Yung nakakausap ako.

Yung nayayakap ako.

Yung nahahalikan ako.

At..

Yung mamahalin ako dahil nakikita ako.

Ewan, basta sobrang saya lang kasi totoo to? Yung wala magsasabi sakanya na..

Baliw..

Siraulo..

Naka-drugs..

Sumisinghot ng rugby..

Nag-mamarijuana..

Wala na sa tamang pag-iisip..

Alam niyo yun? Yung tipo na aakalain ka nilang baliw kapag sinabi mo nakakakita ka ng multo..at nakakausap mo. Lalo na kapag mahal mo. Walang maniniwala.

Pero eto na oh! TAO na ako. BUHAY at HUMIHINGA. Sobrang nakakasaya lang kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na mabuhay at mahalin ulit si Jacob.

Yung sobrang gaan ng damdamin ko..kasi finally! Nasabi ko na din na mahal ko siya at ang masaya don...mahal din niya ako.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now