Chapter 91

652 7 0
                                    

Enjoy reading guys! IT'S FRIDAY AT AYUN NGA GINANAHAN AKO MAG UPDATE!

Danica's Point of View

Maaga kami nagising para sa team building na magaganap. Natapos din naman iyon bandang hapon.

Kasalukuyan namin inaayos ang mga gamit namin dahil tapos na kami dito. Pupunta na kami sa beach para mag relax naman. "Hays! Bukas last day na! Huhu, ayoko pang magklase." saad ni Cess.

"Di ba puwede extend?" Si Lisa. Kahit ako din naman e. Ayoko pang bumalik sa school.

Pagtapos namin ayusin. Lumabas na kami sa tent namin at nagligpit na kagaya na ginagawa nila Jacob.

Matapos namin maayos ang lahat at tignan ulit kung may nalimutan ba kami o wala. Nagdesisyon na kami bumaba. Dahil mahaba haba din ang babaan namin.

"Mabigat ba?" tanong niya at inalalayan ang bag na suot ko. Umiling ako.

"Di naman." sabi ko dahil totoo naman. Pero di pa din niya inaalis yung pag alalay niya sa bag ko. "Okay lang, wag mo na ko alalayan." saad ko dahil di naman talaga mabigat.

Umiling lang siya at ngumiti. Kaya wala akong nagawa kundi hayaan siya. Mapagod siya dyan.

Tahimik kami lahat bumababa dahil nakakapagod. "Teka lang!" bigla kami tumigil na napaupo si Cess. "I'm tired! Pahinga muna tayo." saad niya. Tama naman siya. Lahat naman kami pagod na din kaya tumigil muna kami. Umupo muna ako sa isang bato. Ganun din ang iba.

"Okay ka lang Cess?" tanong ko. Tumango siya.

"Yeah, pero ang sakit ng paa ko." sabay turo niya sa kanang paa niya. "Natapilok ako nung hinahabol ko kayo kanina." amin niya.

Lumapit sakanya si Cliff at tinignan ang paa niya. "Tsk. Ba't ngayon mo lang sinabi? What if lumala to?" inis na singhal ni Cliff sakanya.

"Eh, kanina okay naman." Pagdadahilan niya.

"Nako okay daw! Oi gurl! Don't me, kita ko kanina kapa nagpipigil ng sakit dyan" pag amin ni Lisa.

"Dapat nagsabi ka." Sabi naman ni Jacob. "It can be worse." Dagdag naman ni Chris.

"Sorry.." saad niya. Wala naman na kami magagawa.

"Just be careful next time." saad ko. Tumango naman siya

"Tara na? Baka kasi iwan pa tayo ng bus." Chris. Tumayo na ulit kami.

"Bro, can you hold my bag?" tanong ni Cliff kay Jacob. Umoo naman si Jacob.

Nagtaka kami ng bigla umupo si Cliff sa harap ni Cess. "Ginagawa mo?" tanong niya.

A Ghost to Remember. (Completed)Where stories live. Discover now